This is my first novel to get published and will soon be available on November. Links for online order will soon be added here.
"Patay na si Ace." Ito ang balita kay Kuya.
Nagpakamatay daw si Ace.
Gamit ang pilosopiya bilang isang Kristyanong natutunan niya sa Pastor na ama - kasama ng bawat alaalang kasama ang kapatid - sisimulan ni kuya ang paghahanap ng katotohanan.
Sa paghahanap nito ay marami syang matutuklasan na hindi inaasahan. Kaibigan,
kaligtasan, alaala, mga kwento at higit sa lahat, ang sagot sa tanong na:
It may come as a surprise to some that I wrote something like this. I know I have different circles from different aspects of my life and some of them will see this book as “out of my character”.
Pero kahit sa ibat-ibang taong nakakaharap ko, malinaw ang laging karakter na gusto kong ipakita. I am a Christian. Weird and unorthodox, but a Christian nonetheless.
This story of a “Kuya” under pressure is something personal to me. I’ve experienced a point in my life that everyone relies on you. I stupidly built a character na “Kaya ko yan, akong bahala” and when they suddenly trusted me I realized that I can’t - and it is shameful to ask for help.
Pero mamaya na natin pagusapan ‘yung kabuuan ng kwento. Gusto ko munang i-share kung papano ako nag come up sa kwento ni Wallace.
Nagsimula ang lahat sa Bus. It’s a funny detail na yun yung unang setting - sa bus. Kasi naisip kong habang nata traffic ako sa EDSA, dun ako binigyan ng idea ni Lord. During that time iniisip ko kasi ‘yung mga tanong sakin ng mga kabataan tuwing may Bible study kami, usually they are about mental health. That one specific question caught my attention:
“Papano ‘yung mga nag suicide na Christian, Kuya A? May chance ba silang mapunta sa langit?”
Ito ang gusto ko sa mga kabataan ng Life Conquerors Youth. Hindi sila takot magtanong ng mga ganto kaselan na bagay. I intend to research, ask questions to Pastors to clarify things. Minsan paulit ulit sila (kasi ewan ko ba sa mga kabataan ngayon either madali nila malimutan o gusto nilang laging naka verify, haha) kaya iniisip kong magsulat ng notes regarding it.
It was a well researched paper to teach them, honestly it would be fun to include those notes in the book pero isa rin akong burarang Millennial kaya di ko na makita.
To summarize, the youth is the spark of this book. A spark started a fire. A fire started a blaze. My hope now is for that blaze to shine.
Sabi ko sa sarili ko, sige susulat ako ng kwentong ganun ang setup. I studied how to start a novel. As in, yun ung google search:
“How to start a novel”.
Pagkabasa basa ko ng mga kailangan, halos magsuka ko ng rainbow. Ilang words per chapter ang kailangan? Tuwing kailan ako magsusulat eh may trabaho ko? Papano ‘ko magsusulat ng plot kung ung setup ng kwento ay medyo malayo sa buhay ko?
Wala naman akong depression to come to testify. Wala naman akong kamaganak o kakilalang nag suicide o kahit may depression.
I have a pretty good life. Pero alam kong it needs to be written and as the Lord leads, it needs to be written by me. Ang tanong ko kay Lord:
“What qualification do I have?”
Programmer ako, hindi ako writer. Ang tanging professional writing qualification ko ay nung Highschool journalism. At isa kong bookworm na taga kain lang ng mga novel, hindi pa ko nagsulat kahit kailan.
Hindi ako Pastor para mag dispute or approve ng biblical facts about this topic. I mean sure, I know as I studied, but people will look at my background and say “Sino ka ba?”.
“What qualification do I have?”
The Lord answers:
“ME”
Kaya yun, as the spirit leads, I wrote the first chapter. Sobrang daldal ko pala na hindi ko naging problema magsulat ng 3k words(first target ko, sabi ko kung kaya kong gawin yun, good start yun and I did).
Pinabasa ko muna sa mga Youth leaders at nagustuhan nila.
I planned the outline after. Lalo na kasing tanong sila ng tanong sa next chapter. I outlined the event, the twists, the lessons, the characters, titles, etc. Umabot sa level na isusulat nalang.
The problem still exists, feeling ko kahit first perspective yung writing style na ginawa ko, I can’t put my heart into it.
“Para kong na arte, and I am acting badly because this is not me…”
Then the unthinkable happens…
One of my closest friends, one that I dearly love, tried to hurt and cut herself.
She’s fine after it, she undergoes counseling and is doing well now.
But the thought of losing her haunts me.
Tuwing ipipikit ko ang mata ko parang lagi niyang gagawin ‘yun. I even have dreams of her doing that in front of me while being so happy that I didn’t notice.
Here I am, thinking, “Malayo sakin yung sitwasyon, I can’t act this role kasi hindi ako involve” without even knowing that it is happening to everyone unbeknownst to us.
When I wrote the next chapter, I wrote it with horror, surprise and grief. Iniisip ko, these words will be my exact words kung sakaling may mas masamang nangyari sa taong close sakin.
I will not mention her name, but I know she’ll know it when she reads this. Gusto ko ring i take ang opportunity na ‘to to say, kahit alam kong paulit ulit:
We love you and we are here to support you. Your sadness is our sadness and your burden is OUR load.
Lalong nag apoy sakin yung desire to finish this book. Hindi na ‘to basta magkaron ng achievement to write. Meron na kong driving force and actual event na nagpakita na Mental Health needs to be addressed. Nauubusan tayo ng oras.
Given that, nilagyan ko na ng title ung short draft:
“The Case of Wallace”
Alam kong yung iba nagtatanong kung anong deep connection ng pangalang “Wallace” pero ang totoo kailangan ko lang ng pangalang nagra rhyme sa “Case”. Sobrang babaw nun alam ko hahaha pero tanggapin nating ang mga ganung dahilan ay may purpose para kay Lord. One of our youth was touched by the title kasi ‘yun yung pangalan ng someone na close sa kanya na may situation na kapareho sa kwento.
And that’s the start, pero alam kong malayong lakbayin pa ang pagsusulat. Gayunpaman, alam kong bibigyan ako ng Panginoon ng lakas at mas malalaking rason para matapos ang kwento.
Habang nagsusulat, nag release ang Ben&Ben ng bago nilang kanta - yung “Masyado Pang Maaga”. During that time, di ko pa kilala ang Ben&Ben (Alam ko sasabihin niyong taga kweba ba ko, bakit di ko sila kilala sa mga mas naunang kanta. Pero wag niyo kong husgahan, Di ko lang sila kilala pero naririnig ko na yung iba nilang music.). Alam ko tungkol to sa early break up, pero dahil nasa isip ko na yung kwento ng novel, na relate ko sya sa point of view ng someone na may mahal sa buhay na nag commit ng suicide.
“Masyado pang maaga, para mawala ka”
So it solidifies the line of “Kuya” na nagtatampo, o masama ang loob, sa kapatid na maagang tinapos ang buhay. All the lines of Kuya sa kwento
“Bat mo ginawa ‘yun”
“Hindi mo manlang ako inisip”
“Papano ako?”
All of that while listening to this great song.
Hanggang sa dulo, kapag gusto ko nang maging inspirational kaya lumipat ako sa “Araw Araw” nilang kanta. Kaya pwede nating masabi na this story is highly influenced by Ben&Ben.
Ito yung dalawang pinapakinggan ko habang naglalakad na nagiisip ng susunod na mangyayari sa libro. Sa bus habang papasok ng trabaho iniisip ko sila kada eksena.
May isang araw na naiyak ako sa bus. hahahaha.
Hindi ako magaling na writer - or maybe at least hindi pa. Hindi ko kaya ng isang malaking ensemble ng characters. Kaya sabi ko, magfo focus ako sa isa. Si Kuya.
Naisip ko lang na tawagin syang Kuya dahil ang tamad ko mag isip ng pangalan. To reason out kasi hindi yun tatanggapin ng readers kapag nalaman nila tong rason na to, sinasabi ko na lang na he represents responsibility.
I have my Kuya and his whole personality is responsibility. May parang complex ang mga Kuya na your problem is my problem, so either we make a solution or we will be stressing this out until a solution comes out.
So I called the main character “Kuya”.
Tungkol naman kay Ace, ito yung character na nakikita ko ang sarili ko. He’s different, he has different ideas, he questions traditions, he’s dropping a one liner that is profound and something to think about.
I focused on them. The story relies on their relationship, even the ending relies on this relationship. Alam kong may mga iba pang characters to which I think, after re-reading the story, ay di ko masyadong na explore, they will be symbolic of the feelings of having depression and anxiety.
I based everyone sa mga totoong tao. I think it will be safe para kung may magtanong na “Grabe naman tong character na ‘to, halatang kathang isip”. But I know that all their beliefs are from actual people that I know. Tingin ko kaya rin ako binigyan ni Lord ng pagkakataong makakilala ng ibat-ibang mga tao is for this book to succeed on making the characters as human as possible.
To be honest ang dami kong pag aalala sa librong ‘to. Habang sinusulat palang may mga pag aalala na ko. For one, nasulat to during the Pandemic, so I think no further explanation, lahat tayo nag aalala during that time.
Pero ngayong palabas na sya sa market, nagkaroon ako ng mga bagong pag-aalala na parang first day ng anak mo sa school.
What if it’s cringy to some? Papano kapag may magsabing ang corny? Papano kapag sinabi nilang “ay masyadong preachy ng kwento nakakaumay.”
Although prepared ako sa criticism(actually hindi ako sure), pero my prayer is that this book will find its readers. Sana makita nito ang crowd na para sa kanya.
I know this is not for everyone dahil may ibat-iba tayong paniniwala. Yung iba sa inyo pwedeng mag disagree sa philosophy ng kwento. ‘Yung iba maaring may mga correction at gustong magbigay ng sarili ninyong opinyon.
Ang mahalaga, mapagusapan at makita ito ng mga taong dapat makakita. Ang layunin ng kwentong ito ay hindi para magbigay ng “Absolute solution”, kundi para matuon natin ang mata natin sa mga taong nangangailangan ng pagtutuon ng pansin natin.
Tulad ng kaibigan kong nakikipag tawanan bago niya saktan ang sarili, madalas silang nakatago sa ngiti, madalas silang nakatago sa salitang “Ok lang ako” kapag kinakamusta.
I worry rin na kapag sobra namang nagustuhan ang libro dahil sa kwento ay malimutan nito ang layuning ito, kung ganun, hindi ko ituturing na tagumpay ang aklat. It would be nice na magkaron ng ganung tagumpay na maraming nagustuhan ang kwento,
Pero nawa lalong umangat ang layunin kong makatulong, kahit sa isang taong kinakailangan ito.
Kahit isa.
Lahat ng paghihirap ko sa librong ito, lahat ng gastos, ang pasmadong kamay kaka type, ang utak kong paulit ulit na iniikot ang mga paraan papano gawing effective ang bawat eksena,
Lahat yan magiging sulit para sakin kung may matutulungan itong kahit ISANG TAONG nangangailangan.
Una sa lahat, wala akong magagawa kundi dahil sa Panginoon, kaya sa Kanya ang pinakamataas na pasasalamat sa akdang ito at sa lahat ng araw na ginugol ko sa pagsusulat. Siya ang dahilan ng kwento ni Wallace at Siya lang ang dapat mataas sa kahit anong pangyayari.
Nagpapasalamat din ako sa Pamilya ko, lalong lalo na kay Nanay, na nagpalaki sa aki’ng may pagibig sa Diyos at sa mga kwento. Sa gitna ng hirap at gulo ng buhay, mga kwento ni Nanay ang uwian at pahinga ko. Salamat sa suportang binibigay ng buong pamilya sa kahit anong gagawin o kahit anong desisyon ko sa buhay. Nung pinili kong maging programmer, tulungan kayong bumili ng Desktop, nung pinili kong magsulat ngayon, todo like at share kayo sa social media. Ramdam ko ang pagmamahal ng Diyos dahil binigay Niya kayo sakin. Lahat ng aral na nasulat ko sa librong ito, ang matibay na relasyon ni Kuya at ni Ace, ay hinango ko sa pagmamahal niyo sakin.
Nagpapasalamat din ako sa mga kapitbahay namin sa looban ng Masville. Kayo ang unang tumawag saking “Manunulat”. Naaalala kong dahil lang gumagamit ako ng mga salitang nababasa ko sa mga libro noon, tinawag niyo kong “Manunulat” na talagang nagbigay sakin ng pangarap na magsulat ng mga kwento at tula.
Sa mga classmate ko noong Elementary at Highschool na suki sa mga kwento ko. Sila ang mga una kong tagahanga na nag aabang ng bagong tula sa notebook kong pinapaikot sa classroom. Tulad ng mga kapitbahay at kalaro namin, malinaw ang pangarap nilang balang araw ay magiging manunulat ako. Lalo pa noong sinali ako sa Journalism at naka pagsulat ng mga kwentong ipinanlaban sa labas ng eskwelahan.
Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko, sa MEMA(MEMApangalan lang sa groupchat), na palaging nagbibigay ng suporta. Sila ang mga unang nakakabasa ng mga draft ng mga sinusulat ko. Nagbibigay ng mga komento para mas lalo kong mapaganda ang gawa, at ang mga nakikinig sa mga bagay at pangarap na gusto ko pang tuparin. Kayo rin ang nagtulak saking ipa-publish na ang libro at ang mga handang gumastos at magbasa ng mahabang kwento para lang suportahan ako. Palagi kong iniisip na todo ang pagmamahal ng Diyos sa pagbibigay niya sakin ng mga kaibigang katulad niyo.
Nagpapasalamat sa Life Conquerors Youth at Jeremiah girls, ang mga grupo ng mga kabataan malapit sa puso ko. Kayo ang nagbigay ng dahilan para magkaroon ako ng puso na tulungan ang kabataan at magkaroon ng pagasa sa mga susunod na henerasyon. Salamat dahil binigyan niyo ko ng pagkakataong maging Kuya sa inyo sa lahat ng mga nangyari sa loob ng limang taon. Isa kayo sa mga unang naging fans ng kwento ni Wallace. Kayo ang nagtulak na matapos ang kwento at makitang personal ang kwentong ito sa inyo. Salamat din sa pagpapakilala kay Ms. Arla Fontamillas, isa sa kakilala niyong manunulat, na unang bumasa ng kabuuan ng kwentong ito ay nagtama sa unang draft na sa google drive palang nakasulat.
Nagpapasalamat din ako sa Lighthouse Christian Community - Alabang dahil sa patuloy na pagtuturo sa akin at sa aking pamilya sa gawain ng Panginoon. Lahat ng kaalaman na naisasapamuhay namin na diwa ng kwentong ito - at sa pagiging bukas palad na tumulong sa pananalangin sa mga oras na kinakailangan ng aking pamilya.
Lubos rin ang pasasalamat ko sa 8Letters Publishing, sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon maging bukas ang kwentong ito sa ibang platform. Salamat sa pag gabay sa mga bagong manunulat na marinig ang kwento nila sa mundo.
Sa puntong ito, nawa ay malinaw na ang kwento ni Wallace ay hindi lang sa kanya. Ang kwento niya ay binuo ng iba’t ibang taong kilala o hindi niya kilala.
Gusto kong magkaroon ng walang hanggang sulatan ng pasasalamat para sa lahat ng taong naging bahagi ng paghahatid sa akin sa puntong ito ng buhay ko.
Sa inyong lahat, maraming maraming salamat.