Hello World of Santinakpan!

#janusSilang #pinoy #pinoyYA #edgarsamar #edgarcalabiasamar

(Janus Silang Series Review)

 

What’s up madlang people/diwata/bagani/pusong/manananggal/atbp.

 

Ang dami kong emotions pagtapos kong basahin ‘tong series na ‘to. Bago ko pa makita ang mga kaibigan kong hihikayatan/bubudulin kong bumili at basahin, isusulat ko na lahat para ready ako sa paghikayat. Hahaha.

 

Susubukan kong maging maging articulate as possible para madaling maintindihan. Disclaimer rin na:

 

  1. Hindi ako professional writer kaya hindi magiging technical ang mga sasabihin ko sa panulat, isa kong hamak na mambabasa ng mga nobela na may mga obserbasyon sa bawat nababasa.

  2. By profession, Senior Developer ako kaya tingin ko dito ako makakapag bigay ng insights pagdating sa mga technology na hinalo ni Sir Edgar(Sir Egay para kunyari close kami) sa kwento.

  3. Higit sa lahat spoiler alert dahil magbabanggit ako ng mga major plot point at ng kahit anong naging emotional ako sa kwento. So be warned.

 

Honestly, na suggest na sakin ‘to dati. Hindi ko lang pinursige dahil marami pa akong binabasa. Hanggang sa umabot na mapadaan tayo sa fullyBooked at ginusto lang nating bumili dahil #deserveKoTo.  I picked up this book without any background of the story - bukod sa nakasulat sa likod. Nasabi ko “Ok, deadly online game? Parang RPG Metanoia?”. Hindi ko alam kung gaano ka lapit ang istorya nila basta ko lang kinuha. Don’t judge me, sobrang stress ko kelangan ko ng satisfaction sa pagbili ng libro. Medyo na disappoint lang ako na kapag local books pala bibilhin sa FullyBooked, hindi pwede gamitin yung discount ng membership card. Anyway, nasa cashier na ko kaya binili ko na. Uhaw na uhaw ako sa discount alam ko, hahaha.

 

And what the actual heck, I get more than I deserve!

 

Gusto kong mahimay himay para wala akong ma miss out sa mga gusto kong sabihin sa kahit anong aspeto na nagustuhan ko sa mga libro.

 

Storyline

 

Masaya akong hindi sya lumukso sa Biblical side ng horror. Explain ko ‘to:

Usually ng horror na napapanuod ko, nirerelate nila sa Catholic faith. Na nagli lead sa biblical context. Nang marealize kong horror ang tema ng istorya, medyo kinabahan ako. “Maglalagay sila ng biblical context dito”. Or worse, gagawin nilang Bible centric yung world building - palalabasin nilang related sa demonyo ng bibliya ang Tyanak, blah blah blah.

 

Don’t get me wrong, hindi sa ayoko ng Demonic Horror at lalong lalo nang ayoko ng Bible centered na story ng horror. I believe that some of the stories depicted them with accuracy and inserted their creative story so well.

 

It’s just that, usually, storytellers are doing it wrong. A little background of me is I am a Christian na nagtake up ng units to know the Bible more. So I’m a Jesus nerd. Hindi ko sasabihing alam ko ang pasikot sikot ng Bible, I just know it and what it is not.

 

Usually ng mga storytellers ng horror na Bible centered, kinukuha nila ung story ng bible and revising them to fit the story. Para lang silang nag google ng “meron ba sa Bible nitong box para marelate ko sa story ko na may mysterious box?”, tapos yun na ang resources nila - ang unang lalabas na link sa google search.

 

‘Yung mga tulad ko tuloy hindi na maenjoy yung story kasi honestly, ‘di naman sya blasphemous for me - nagki cringe lang ako na mas alam ko ung story na hindi dapat ganun. ‘Yung iba pa gumagamit ng verse na out of context para gawing ritwal. Seryoso yung story sa paggamit ng verse(for example para matalo ang halimaw binasa niya ang unang talata sa Mateo pangatlong berso) pero ako nagki cringe kasi alam ko hindi para ‘dun yung verse, pero naglagay lang sila for the sake of mystery and “actual Bible verse”

 

For me it is a weird take - na feeling kong badly researched na horror story.

 

HINDI GANITO SI JANUS SILANG. Gumulong sya sa Mitolohiya. Sa kwentong wala akong kaalam alam. Hahaha. Kaya kada banat origin ng Tyanak, tinanggap kong buong buo. This fiction makes sense. When Janus said na akala niya ang tyanak ay galing sa mga ‘di nabinyagan, binasag agad yun ng istorya - hindi, hindi ganyan, dito tayo.

 

Dito umandar ang buong kwento na nagulat akong napakayaman. May idea ako sa greek mythology dahil madaming movie tungkol sa mitolohiya ng ibang bansa(Greek nga na pinaka sikat). Medyo ang alam ko lang ng konti ay sa Egypt dahil sa isang movie na ‘di ko na maalala, basta si Jamie Lanister ata yung isang bida.

 

Tingin ko ito ang naging pundasyon ng kwento ni Sir Egay - Mayaman na ang Mitolohiyang pinili niya. Pagagalawin niya na lang dito ang mga karakter. Personally, hindi ako nag aalalang may punto dito na sasabihin kong “Mali ang pagkaka gamit ng Mitolohiya!” dahil una sa lahat, sya palang ang nag introduce sakin nito. Malaya akong naupo, nilagay sa mesa ang pananampalatayang meron ako pansamantala para lubusang mamangha sa panulat ng isang “Origin folklore” na may mga konting bali sa makabagong panahon. Bilang Kristyano, safe to read this as a literary work, hindi naman ito pagbabasehan ng pananampalataya.

 

Ito ang pagbabasehan ko sa pagsasasabing ang yaman ng literaturang pilipino para magkaroon ng mitolohiyang may mga makukulay na karakter. Mitolohiyang may mundong may kababalaghan at may ganda. Mysteriously inviting to explore.

 

Ang daming pwedeng maging spin-off ng kwento sa lawak ng mundong ginalawan ni Janus Silang.

 

Salamat yan sa desisyon ng librong mas pinili ang mythology natin over sa Christian faith horror na posibleng may umalma at matamaang pananampalataya - higit sa lahat may mag cringe na “huy mali gamit ng verse”.

 

Na amaze din ako na kahit makaluma ang pinagmulan ng kwento, naging madali ang pagpasok ng teknolohiya sa makabagong mundo. Bilang Millenial na naging tulay mula sa panahon ng bato(LOL joke) papunta sa paggamit ng mga tech papunta sa online world, naintindihan ko ang struggles at gamit ng mga karakter.

 

Gusto kong mas pag usapan pa ang technology dito pero sa susunod na section na lang.

 

 

Maganda rin ang pagkakapasok ng Technology sa halo ng Mitolohiya. Kataka taka nga naman kasing nasa modern times ang bida tapos ang struggle niya ay masu solve lang sana kung may mga cellphone sila, diba?

Pero hindi lang yun ang naging role ng technology - pinakita ang pag advance ng kung may mga kakayanan ang mga karakter, mas mai improve nila nito ang technology. At yun nga ang nangyari. Pinakita rin dito kung papano ito nagamit laban sa kanila at kung panong hindi lumayo ang kwento sa pinagmulan nito.

 

Ambilis ng pagdadala satin ng kwento papunta sa ibat ibang eksena. Maganda rin ang paghahalo halo ng characters. Isa ‘to sa mga nagustuhan ko sa Netflix series na “Stranger Things”. Naghahalo halo sila ng mga characters na hindi pa nagkasama at binibigyan sila ng isang eksena or storyline na huhubog ng pagkakabuklod nila. Sa ganitong paraan, magiging natural ang pagiging malapit nila sa oras na kailangan - and by kailangan i mean, kapag kailangan na silang patayin ni Sir Egay at maging totoo ang lungkot ng lahat ng karakter at syempre pati ng nagbabasa. haha.

 

 

Hindi pa nakakaangat ang panga ko sa naunang rebelasyon may kasunod kaagad. Iba parin ang impact ng twist ng book 1 patungkol kay Juno. Dito ko naisip na “ay, hindi to basta basta mythology, may mga bitag ng twists to”. Hindi nga ko nagkamali. Ang akala kong magiging flex lang ng mitolohiya ay intro palang - twists driven ang istoryang ito.

 

Isang bagay na ikasisiya ko na hindi lang basta sumandal si Sir Egay sa matibay na pundasyon ng Mitolohiya, gumamit sya ng mga creative points - major plot point - para maging uhaw tayong magbasa at maging total page turner ang bawat libro.

 

Isang buong hiwaga ang book 1. Sinundan lang natin si Janus at walang ibang karakter na tinitignan. Kasing bulag tayo ni Janus sa unang kwento kaya lahat misteryo satin.

 

Nang masagot ang ilang tanong sa pangalawang libro, dito na nagsimula ang taksilan at pag ikot ikot sa bawat karakter. Nasa tuktok na tayo ng twist sa nangyayari sa kabila tapos ibabalik tayo sa isang kwento ng karakter. Itataas ka ulit ng rebelasyon tapos ibabalik ka sa ibang kwento.

 

Hanggang makita ko ang sarili kong naubos ang librong binili ng ganun ganun na lang. HOY SIR EGAY ANG MAHAL MAHAL NG BILI KO TAPOS ORAS KO LANG MAHAHAWAKAN. Basahin ko na lang ulit, kunyari di pa alam mangyayari, haha.

 

May isang parte ng libro na pakiramdam ko may limang twist kada chapter. Kung nasigaw ka kada rebelasyon, good luck kung may boses ka pa sa book three.

 

Characters - Pipiliin ko lang yung mga characters na may mga pinaka impact sakin, kung may inaabangan kayong character na hindi ko nabanggit, edi sorry, pero aminin niyong napakarami nila, wag kayong ano. Haha

 

 

Normal na bata si Janus - isang relatable na teenager na hindi sakit sa ulo, pero hindi sobrang bait. May katigasan ng ulo pero may natural na pagmamahal sa pamilya.

 

Iyakin din sya pero sa lahat ng nangyari nagtatataka kong hindi sya umiyak ng dugo.

 

Masaya ako sa naging character development ni Janus. Nagsimula sya sa batang ayaw madamay sa kung ano mang nangyari sa kaibigan niya, batang takot sabihin ang totoo. Hanggang maging batang handang bumatin ang lahat ng bigat para maligtas ang santinakpan. Naging natural ang development niya. Walang eksaktong punto ng kwento na masasabing nagbago si Janus, pero kung ikukumpara ang naunang sya sa version niya sa ending, malaking bagay ang pinagbago niya.

Una kasing description sa kanya yung tipong dream girl ng mga batang gamer eh. “Chinitang maganda marunong mag dota”. After ng book 1, dun ko narealize na may plano ang may akda sa kanya. Planong niyang gulatin tayong lahat, that’s what.

Una sa lahat, she is not a damsel in distress. I mean, everyone is distressed here, don’t get me wrong. But her character grows above expectations. Nagkaron sya ng moment na hindi niya kailangang maging “girl boss”. Ginawa niya ang dapat niyang gawin at the moment. Her repeating line is valid and inspiring. “Natatakot ako pero ok lang matakot”.

 

Umabot sya sa moment na kailangan niya ng action. Yung unang laban niya sa mga mambabarang kasama ang isang punong bagani ang napasabi ako na “ITO NA SI MICAAAAA!!!!!!”. She can run her own series and I would love to watch it.

 

Her last fight with fake Renzo is satisfying (Although I saw it coming, napansin ko rin ang napansin niya. Tumalino ako sa dami ng twist, oh my bathala).

 

Honestly, pwede syang magkaron ng karakter sa libro ng hindi love interest ni Janus. She is more than that.

 

 

He is faithful sa turo sa kanya ng mga Manong. He’s the basic Kuya everyone wants. Si Serj ang kapatid ni Janus pero no hate, mas naging kuya si Renzo. Pero syempre mas matagal silang nagsama. Plus, nagsama sila in a span of peace kahit papano.

 

Pag usapan din natin lahat ng fake Renzo’s. Una sa lahat si Bino ang mambabarang. Tingin ko yung pag gaya ni Bino kay Renzo is just for kicks. “Wala lang masama lang ako, kaya magpapakita ako sa muka ng kakamatay niyo lang na kaibigan”. Gusto ko ang pagiging masama ni Bino. Natural. Siguro kasi umay na kong lahat ng masama may backstory. May mga makasarili talagang masama - at sya yun. Sa totoo lang kuhang kuha niya ang inis ko. Lalo na nung ginawa niya ‘to. I mean, come on, dude. Hindi mo ‘to kailangang gawin samin.

 

Next is yung bagong version ni Renzo na bad guy talaga - na sinaksak lang ni Mica. ‘Di niya napatay si Mica bago sya gripuhan sa tagiliran ng dalaga ng punyal na sana nakilala niya edi sana hindi sya pinaghinalaan. Mas magaling syang umarte kaysa kay Bino. Sa totoo lang, mas may pakinabang sya.

 

Going back kay Renzo(Tayo na lang ang bumalik kay Renzo since di na sya nakabalik -- ok too soon). ‘Bat naman ganun, ang saklap ng nangyari kay Renzo kahit na namatay syang santo. Wala akong pake, kailangan niya ng happy ending. Parang walang habas din syang pinatay. Napaglaruan pa tayong buhay pa sya.

 

Siguro the simplicity of his character makes me want him to be happy. Sa buong stay niya sa kwento, ang struggle niya kasi tao lang sya, turns out, sa ending, tingin ko hiniling niya na sana tao lang sana sya. The best part is, I believe, he represents us. Minsan hindi tayo yung character na may special ability kagaya ni Janus, hindi rin tayo yung despite of walang special ability isu surprise naman sila sa talent kagaya ni Mica. Minsan tayo yung feeling helpless na nga bigla pa tayong tatamaan ng something special - hindi ability kundi fact na may kakulangan tayo - sa kaso ni Renzo, isa lang syang anino (sa kaso natin anxiety. Imagine mo yun minsan na nga lang tamaan ng uniqueness, sakit pa, struggle pa). And sometimes, we are defeated. Just like that. It’s sad.

 

PERO, hindi porket namatay si Renzo sa huli (sa kweba, mag isa), hindi ibig sabihin na mahina sya. He tried and persevered. Pumalag si Renzo hanggang huli. Hindi niya hinayaang magamit sya ng katotohanang yun laban sa mga taong mahal niya.

 

At yun ang nakita kong special sa kanya. In his struggle, minahal niya ang nakita niyang pamilya. He is unseen. ‘Ni hindi sya ang focus ng kwento, but I have nothing but respect sa mga sinisimbolo niyang mga tao. HINDI SYA PINILI.

 

Him dying in a cave feels like a metaphor to me. Minsan, hindi tayo bida, minsan ang liit ng impact natin (tingin natin), but him dying in the cave, akuin ang paninindigan wag lang mapahamak ang mga taong mahal niya, it takes courage and deserves recognition. At kahit na malungkot na katapusan yun, sa sarili niya, victory yun. Hindi sya namatay na helpless, namatay syang pinuprotektahan ang mga taong mahal niya.

 

 

Which is expected, given na half goddess rin sya, legit ang takot. Minsan minsan lang sya lilitaw pero sya yung tipo ng villain na gusto ng grand entrance. May mga fourth wall break din sya na sobrang funny kagaya sa ending ng book 4 na linya niyang “wow, kumpleto lahat, parang season finale”.

 

Parang ang sassy pati ng pagka villain. Ganto yung mga nakakatakot ehh. Alam mong papatay sila for show, pero may plan lagi kapag binuhay yung character.

 

Again, may mga effective villain na may backstory and may effective villain na pure evil lang talaga. The Tyanak si both. I love her connection with Tala. May part na napaisip din ako na baka nga gusto lang niya ng tahimik na mundo, baka yun ang parte ni Tala na mabuti sa kanya bilang anino, may part din na chaotic lang talaga sya.  I was made for chaos so I will be THE chaos.

 

May iba’t ibang character ka rin na mamahalin, malulungkot kapag namatay, may mga malalaking part sa kwento. Kagaya ng mga Bagani, na naniniwala akong deserve ng separate na libro. May school sila ng mga bagani na pwedeng magkaron ng isang buong libro papano ang buhay dun. Possible din ang prequel nila Manong Joey at Manong Isyo kasama ang mga manananggal. Gusto ko ng hiwalay na kwento tungkol sa gera ng mga mambabarang at manananggal(hero sila dito kaya dapat, manananggol - ok sige last ko na).

 

Ang daming na introduce na karakter, pero lahat sila mahalaga. Lahat sila naging parte ng parang domino effect na nagsadya sa kanila sa pinakahuling laban. May bigat ang mga kwento nila. Grabe ang naramdaman ko sa mga pagkamatay nila kahit saglit lang sila sa libro. Isang major character, si Miro, na akala kong may plot armor pero pinatay sa dulo ng Book 2. Ang gulat kong ilang beses kong binasa ng paulit ulit kung na bobo lang ba kong biglang di na ko marunong magbasa para magkamaling hinati sya lengthwise.

 

Endings



Conclusion

 

Sa totoo lang, napakasaya ko. Isang linggo bago ko ma discover ang Janus Silang Series, nag uusap kami ng mga kaibigan ko kung bakit wala tayong mga YA novels na katulad ng mga Percy Jackson, Maze Runner, atbp. Sabi ko mostly ng nobela na nababasa ko sa tagalog, about sa kahirapan or corruption ng govt or kahirapan ulit.

Nabanggit ko na kapag creative na story automatic comics sa atin. Na nalungkot ako kasi ‘di ako lumaki sa comics. Lumaki ako sa pagbabasa ng creative story na naka form na nobela. Hindi drawing. Hiniling ko na sana may magsulat ng creative na story na mababasa asa nobela. Kasi nga laging foreign yung nababasa ko.

 

Hanggang sa hindi lang pala ko naghahanap ng maayos. Hanggang sa makita ko ang series na ‘to. Masaya akong may mga natutunan ako sa Mitolohiya natin.

 

Ang ganda!

 

Masaya rin akong nakasama ako sa adventure ni Janus. Nabuhay ang karakter na parang ang sarap niyang maging tropa. Totoong totoo ang mga reaksyon niya sa mga nangyayari. Pasok ang mga wala sa hulog niyang biro dahil nga nasa awkward stage sya ng buhay niya.

 

Naramdaman kong meron tayong nobela na mala Percy Jackson, pero pinoy. Nahalo ang modernong kalagayan ng bansa sa Mitolohiyang atin. Hindi lang ang teknolohiya kundi ang usaping politikal.

 

Sa huling libro, ramdam na ramdam kong nasulat ito sa gitna ng Pandemya. Ginamit ni Sir Egay ang sariling boses para mapakita ang kaguluhan ng mga impormasyon online sa gitna ng mga aktwal na unos. Grabe ang labanan bago ang tunay na laban. Tahimik pero maingay sa social media. Gantong ganto ang pandemic. Salamat sa pagpapaalala sakin ng pakiramdam na yun ah, nag hello ung anxiety ko. haha.

 

Nakita natin ang transition ng technology sa madalang lang makapag facebook si Janus hanggang sa huling libro na ang kalaban na ang nagamit ng technology para magpakalat ng fake news at ma trace ang mga pumapalag sa kasamaan. Kitang kita ang transition ng biglang naging relevant ang online world. (Sabi ko nga, alam naming mga millenial kung anong itsura ng transition na yun.)

 

Maaring Fiction ang mga pangyayari pero tunay ang panganib na pinakita ng fake news.

 

Salamat sa paggamit ng platform Sir para maituro ito sa mga kabataan.

 

Going back sa personal kong pagkagusto sa kwento. Nakaka enjoy na nakaka proud na may mga ganito pala tayong istorya. Mas lalo akong naging interesado sa mga kwento natin kaya malamang mapabili pa ako ng ibang mga libro.

 

More power sa bumuo ng aklat na ito, at sana mas marami pang lumabas na gaya nito!

Others you might like: