In The Eye Of The Storm

#storm #worship #bible #praise #christian #tagalog #essay #covid19

“He got up, rebuked the wind, and said to the waves, “Quiet! Be still!” Then the wind died down and it was completely calm.”

Mark 5:39

 

Day 1. Naglalakad kami sa shopwise para mamili ng mga kailangan para sa mahabang quarantine. Nilalagnat na si nanay at dalawa kong kapatid. Since iniisip na namin na delikado ang lagnat nag decide na kami na mag imbak ng pagkain para sa mahabang quarantine hanggang gumaling sila o kahit tapusin ung actual isolation. Naramdaman kong tinatamad ako.

 

Tamad. As in nakakatamad na halughugin yung buong store para sa mga kailangan. Sinabi ko sa ate ko. Tamad yung term ko since ayaw ko na lumibot. Mabigat na pala nun yung katawan ko. Sabi ko, baka nakikisabay lang ako. Baka na sa isip ko lang at napaparanoid ako.

 

Day 2. Nilagnat na ko. Nilagnat na rin yung ate kong kasama ko sa grocery kahapon.

 

Day 3. Nilagnat na rin yung 2 years old kong pamangkin. Magdamag na hindi bumaba yung lagnat niya. Binabantayan namin sya kahit kami rin may lagnat. 38.5 na yung temp ko pero todo punas parin ako sa pamangkin ko. Bagsak na yung nanay niya dahil may lagnat, ubo at sipon. Gusto kong ako ang magbantay magdamag pero hindi ko na talaga kaya. Nag volunteer yung ate ko na medyo ok sya kaya sya na nagbantay.

 

Day 4. Sya yung lumala ang lagnat kinabukasan. Naging ok yung pamangkin ko na umabot na ubo na lang meron sya. Lumala yung ubo ng dalawa kong kapatid. Umabot sa kinailangan nilang mag suob para makahinga lang ng maayos. Effective naman.

 

Day 5. Sa wakas, nagkaron kami ng chance makapagpa swab test. Tinatry na namin since unang may magkalagnat samin kaso ang haba ng pila at hindi namin kayang magpa swab ng hindi sagot ng healthcard. Up to this point, pabalik balik ang lagnat ng lahat. Pero hindi sabay sabay. Salamat sa Panginoon, sa pamangkin ko lang hindi nabalik.

 

Day 6. Naging ok ang pakiramdam ko fully. Wala parin yung result dahil sa daming nagpapa RT-PCR. Sa ngayon, ok naman ang buong pamilya namin bukod sa isa kong kapatid na sumasama ulit ang pakiramdam nitong umaga.



May takot kaming magpatuloy yung on and off ng sakit namin. Natatakot akong maging positive yung result ng RT-PCR. Natatakot akong negative ang result kasi ibig sabhin simpleng flu lang na tumama sa family namin, ganito na itsura namin, papano pa kung Covid na.

 

Natatakot ako. Natatakot ang buong pamilya namin. Natatakot yung mga kapatid kong nasa mga ibat-ibang lugar para samin. Kahit sila meron ding ubo at sipon.

 

I am ok, for now, to write this down.

 

I don’t think we are already done with this. Nabalik balik ang lagnat at ubo na tipong ang hirap nang huminga. Suob lang ng suob para maging ok. Nakahanda lang kami sa worst case scenario na may kailangang dalhin sa ospital.

 

As consistent as the “suob” is, our prayers are also consistent. I keep praying for the protection of my nieces. Especially sa bunso since wala pa siyang vaccine.

 

Yes. Fully vaccinated kami with booster shots.

 

We are in the middle of disaster and fear is howling above.
We are in the middle of whispering doubt and prayers.
We are in the middle of hardship to pray “Your will be done” because we might not accept that.

 

We are in the eye of the storm.

 

Nung una, balak kong magsulat tungkol dito kapag natapos na. Kapag napagtagumpayan na namin ang covid. Pero naisip ko, We need to worship in the eye of the storm. This is the time that I needed to hear myself calling His name.

 

So I decided to write this. While waiting for the RT-PCR result.

 

I want to write this to remind myself that His promises are strong. That these bring comfort. Alam niyo, hindi ako fan ng “if I pray harder, it will be granted”. Mulat naman ako sa katotohanang kung will ng Panginoong kunin ang isa sa amin, it will happen. It is just that, I know, hindi ako ready dun.

Wala naman atang ready sa ganun.

 

What my prayer is, bigyan kami ng malakas na puso para magtiwala na everything will be fine. Bigyan kami ng wisdom kung anong dapat gawin. Bigyan kami ng provision para ma provide lahat ng kailangan. Gamot, pagkain, vitamins during this time is important. Give us watchful eyes sa mga dapat kaming mag focus.

 

Kung sakaling umabot sa puntong may kukunin samin, saka ko na iisipin kung anong dapat kong ipagdasal sa oras na yun. Walang matutulong yun sa ngayon. Pero naniniwala ako sa pangakong magiging maayos ang lahat sa dulo. Kahit ito ang mangyari. Pero saka ko na dapat isipin yun.

 

Fixing my eyes on Jesus. It is me, calling unto His name.

 

When I have my devotion this morning. I have this story from the Bible that the disciples are in the middle of the storm and it’s so bad they are going to drown. When they woke up Jesus, He commanded the wind and rain to STOP.

 

When I call unto Jesus in the middle of a storm right now. He didn’t stop COVID. He stopped a more troublesome storm - that is the storm in my heart.

 

Narealize kong sobrang lakas ng bagyo sa puso ko nitong nakaraan. I am losing things that are important. Sa dami nating nakikita sa mga balita, lahat naman tayo nagkaroon ng ganun.

 

We are so focused on losing our material possession because of the outward storm while the storm inside us is robbing us of our peace.

 

My prayers are not in place because my heart is not in the correct setting.

 

Once Jesus stepped in to calm the storm inside. Here I am. Crying my heart out. Learning what to pray during this time.

 

Standing in the middle of the storm.

Praying along with the howling wind.

Proclaiming His goodness with the noises.

 

Don’t get me wrong. I think the content of my prayers is right. A heart to trust, wisdom, and provision. What’s wrong is the heart of doubt that all of that will be given.

 

That is a doubt against God’s goodness. Siguro dahil naramdaman kong hindi niya yun ibibigay since pakiramdam ko ang layo layo ko sa kanya nitong nakaraan.

 

But that is not how His Love works.

 

I pray, undoubtedly for His wisdom and provision - for His love.

 

Sure, hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin. Pero kahit anong mangyari, I will trust Him. Mahirap parin syempre. Imagine, we are face to face with a killer. However, I’ve seen God and He is more powerful than this.

 

He conquered death to promise life.

 

There are times na nasabi ko dati na hindi ko alam kung kakayanin pa namin pagkatapos ng isang bagyo, pero nandun ang Panginoon. Ginabayan niya kami palabas.

 

Walang pinagkaiba ang bagyong ‘to sa mga nakaraang bagyo.

 

Totoo. Posibleng magbago ang buong pamilya namin pagtapos. Pwedeng permanent sa buong buhay ang paglabas. Totoong nakakatakot yun. But I trust in the Lord. That is what this family is about. We worship the Lord together no matter what. I love them so much that I am afraid. So afraid to see what this family has been fighting for so many years now.

 

At sa gitna ng bagyong ‘to magpupuri kami sa Panginoon. Hindi nawawala ang takot dahil totoo ang bagyo. Pero mas lumalaki ang pananampalataya na hihigit pa sa takot. Mas lumalaki ang tiwala sa mga nakaraang pagliligtas ng Panginoon.

 

In the eye of the storm, He sees me. And I am protected.

In the eye of the storm, His rod and His staff comfort me.

 

And in case this storm is the last fight, I will not face my Lord defeated. I will not die lying in my bed.

 

I will die on my knees in worship.

Others you might like: