That's my writing life.
namulat ako sa kwento bago pa ko matutong magbasa. mula sa "bedtime stories" ni nanay hanggang sa mga laro sa labas, laging may kwento. Kwentuhan ng nakakatakot tuwing brownout. Kwentuhang nakakatawa sa laro. Kwento sa cartoons TV.
kaya ako naniniwala sa "love at first sight", ay dahil mula nang matuto akong magbasa sa dilaw na abakada (kung naabutan mo 'to ang tanda mo na. hahaha) minahal ko na ang pagbabasa.
Dito nagtagpo ang dalawang "hint" na binigay sakin. Ang "kwento" at "pagbabasa" .dun ko nalaman na lahat ng kwentong narinig ko, unang nakasulat pala. Yung mga kwento ni nanay tungkol sa morality nasa Bible pala.
Dun ako nagsimulang magbasa ng magbasa. Dun ko rin nabasa ang Bible. Binasa ko sya as "Literary content".
sobrang daldal ko na napapatayo ako sa harapan, sa labas ng room, nilalagyang packaging tape ang bibig, and worst pinahubad ako sa harap ng klase - para daw magkahiya ako at d na kumausap ng ibang kaklase (hindi naman effective kasi di naman talaga ko nahihiya sa birdie ko kasi grade 2 lang ako nun at tingin ko naman normal na may birdie ako. may isang buong kwento ako about dun kung nakuha nun ang atensyon mo: https://www.arnoldsubastil.com/short-story/birdie-ni-noldie).
anyway, umabot sa time na wala na kong makwento kasi na caught up ang reading materials ko sa demand ng audience. Dun ako napilitang mag imbento ng kwento. As in mapipilitan akong ayusin ang buong kwento sa isip ko, tandaan ang sasabihin ko, at i kwento kapag may chance na.
again, i love what i am doing so i put dedication and effort for this. Plus, kapag kilala ka na sa school as a storyteller, mahirap nang mawala sayo ang titulo. sa nagtatanong "hindi ba nababa grades mo sa kaka focus mo magkwento?". Nababa syempre hahaha, pero i keep it to normal range. wala sa top ten pero at least nasa gitna. Enough wag maging alarming pero hindi sobra para maging top na busy mag aral.
i keep on the middle., yun ung perfect spot, may konting fame pero hindi sobrang drowning. gets nio yun?
anyway. Naging alarming sa isang teacher one day na ang daldal ko. siguro mainit lang ulo nia nun kasi delay ang sahod. Pero one time narindi sya sakin kaya kung ano daw ang kwento ko, isulat ko sa papel. non-verbatim pero parang sinabi nia "PARANG AWA MO NA KAHIT ANONG MAKAPAGPAPATIKOM NG BIBIG MO."
so I tried writing. And dear goodness it's very effective.
Naging hobby ko nang magsulat na nadala ko hanggang highschool. Naging controllable ang daldal ko(hahahahahahaahha controllable na tong lagay na to). Hindi ko alam kung nagbinata na lang kasi ako o natuto akong isulat yung salita ko.
naisip ko na "I can write it, I don't have to repeat it over and over." kasi sa totoo lang, naririndi na rin ako ulit ulitin sa crowd yung kwento ko. imagine-nin niong operator ka ng sinehan at ilang beses mong i play ung movie sa audience. nakakarindi rin.
Tanda ko nun na first title ko sa poem compilation yung "Takipsilim". naririnig ko silang may mga paborito silang tula dun, paboritong kwento. may mga nainspire din magsulat kaya pinapasulat ko sa kanila dun sa notebook kung anong tula meron sila.
Sumulat din ako ng sarili kong biography (ibang notebook to syempre). "Eng-eng na writer" yung title. compilation naman ng personal funny stories ko as an aspiring writer. Naging entertaining sa mga classmates ko yun.
dahil sa mga kumakalat na unofficial na babasahin sa school, nakuha nun ang atensyon ng teachers. kasi nga naman baka nagpapakalat na pala ko ng rebelyon di pa nila alam. kaya binasa rin ng mga teachers. nagustuhan din nila (inikot din nila sa faculty, LOL joke, di ko alam haha).
so yun, nakuha akong magsulat as feature writer sa school. Nasali ako sa ibang school. Ang instruction lang sakin ng teacher ko nun, "isulat mo kung anong nasa puso mo."
I remember the topic nun sa ibang school competition. "Ang paborito kong superhero."
may mga nagsulat tungkol sa mga superhero sa TV, superhero sa comics, may mga sikat na personality or their bestfriends. Gusto kong maging cheesy kaya nagsulat ako tungkol kay nanay.
Nalimutan ko na kung ano exactly yung sinulat ko, even the title, pero naaalala ko pa yung structure. Sinulat ko lahat ng ginagawa niya tapos kinumpara ko sa superhero.
"hindi sya kasing lakas ni superman pero kaya niya kong kargahin kapag may sakit ako." - mind you na highschool na ko nito, hahahaha. i meant it to be funny and heartwarming. para iyak tawa ang readers. I remember it being chosen to be the first among all the entries.
anyway, next topic is "first love.". i mean wala pa kong experience sa love, and honestly, ayokong maging vulnerable sa mga tao sa gantong aspect. what i did is, ginawa ko syang love letter format, pero ang twist sa dulo, yung aso kong si sweet ang tinutukoy ko.
like sobrang drawn na sila na akala nila may "nag aantay sakin pag uwi at yayakapin ko. Sabay kaming lalabas at masayang magkasama..." blah blah blah, boom twist, si sweet tinutukoy ko, yung aso kong itim, na mas malandi pa sakin kasi naka ilang anak na. LOL
nag first ulit un.
sobrang ecstatic magsulat. Kahit mga kapitbahay at classmates, sinasabi na balang araw magiging manunulat ako.
Gusto kong maging manunulat. Gusto nila kong maging manunulat.
Hindi ko ini slander ang propesyon, yun lang ung na realize ko back then. Papano ko mabibigyan ng bahay si nanay kung nahihirapan din ako?
Dun ko natuklasan na nagkakaron na computer age. Bumili kasi yung ate ko ng desktop. Dun ako nag explore kung anong kaya nitong gawin. Naisip ko nun, gusto kong gumawa ng mga design sa powerpoint, gumawa ng animation, gumawa ng webpages gamit HTML. May pagsusulat parin, visual nga lang. Dahil nga naman bago ang computer noon, kailangan din sa church namin (nag transition din kasi ang churches nun from acetate projector to projector ng computer).
Kaya nag decide akong mag IT. Mas malaki daw ang pera dun. Bukod sa pera yun na ang pinakamalapit sa gusto ko. Kapag natuto ako ng animation, o design, may malaki akong sahod tapos magagawa ko pa ang gusto ko, ang gumawa ng mga kwento. Naisip ko rin na kapag naging IT ako makakapag publish ako ng blogs kaya yun na talaga ang pinakamalapit sa pangarap ko.
Nagdasal ako nun, kasi sabi ko kung will ni Lord mag IT ako, mangyayari ‘yun. Iniyakan ko pa talaga yung course makuha ko lang sya sa PUP Taguig talaga. “Mura na sulit pa” kasi yung PUP. hahaha.
Tapos walang nagsabi sakin na puro programming pala gagawin. Dalawang major quiz nun bokya ako. Bobong bobo ko sa sarili ko. Hahahahaha. Pero sabi ko, kung will to ni Lord, makakaya ko to.
Eh syempre ang sagot ni Lord ay yes. Kaya tingin ko naging sobra naman ata ako sa programming. Gawa ng aking hyper fixation sa isang bagay, na master ko yung programming. Pwera pagyayabang naging super nerdy programmer ako.
Minahal ko yung programming to the point na nalimutan kong manunulat pala ko.
Simula first year college, tumigil ako sa pagsusulat. Nawala sa isip ko ang pag asang maging bahagi ng kwento at naging tuon ng isip ko ang logic ng programming, at ang success ng career dito.
Don’t get me wrong, hindi kontrabida ang programming dito. Hindi sya mistress sa first love. It’s just that, ito lang yung silent years ko sa writing. Naging masaya ko sa pagpo-program na alam ng mga naging kaklase ko sa college.
Naisip ko, baka ito nga ang calling ko, maging programmer at ituro to sa iba.
Ilang taon ang lumipas. 4 years sa college, 6 years working. Solid 10 years kong nalimutang magsulat.
Isang dekada. Sa mga romcom ito na ung timeskeep kung saan iniimply na nilang wala nang pagmamahal sa dalawang bida. Hanggang magtagpo ulit sila sa iisang coffee shop.
Para sakin at sa pagsusulat, ang coffee shop namin ay ang medium. Isang araw nag sabi sakin ang boss ko na gumawa ako ng tech blog sa medium. About sa isang naging error namin na nasolusyunan ng team. Syempre bilang isang tamad na Senior Dev na gustong mag program kesa mag “document”, pinagawa ko sa L1 developer. Syempre sunod naman sya kasi utos ko, ahahaha.
Pagkabasa ng boss ko, sabi niya, hindi documentation ang gusto niya. Gusto niya yung parang blog type. Yung ikwento daw kung anong nangyari, make it entertaining daw. So ako ang nagsulat. Sinunod ko yung tech side ng gawa ng L1 pero na kwento ko kung papano nangyari. Ito yung finish product nun:
https://medium.com/@arnoldcsubastil/understanding-the-usage-of-cache-in-laravel-f6cf30f4a9b5
Kung ma check nyo yung blog, grabe yung naging response ng tech people. Dito bumalik yung first love ko sa writing.
Dito ako nagtanong. Kaya ko na ba ulit magsulat? Hindi ba sobrang late na? May chance na ba ngayong di ko na problema ang pera?(wow ang yaman. haha)
So i tried writing again. Hanggang gumawa ako ng sarili kong website ng writings ko. Essays, poetry, short stories.
Hanggang tinangka kong magsulat ng nobela.
Tapos nagka pandemic.
Dito ko nasulat ang “Anong nangyari kay Wallace?” at ang iba ko pang short stories na nasa website.
Bumalik ang pagmamahal ko sa pagsusulat. Bago ko pa makilala ang 8letters Publishing na nagbigay ng tyansa na malathala ang mga libro ko, alam ko na na nakabalik na ko sa pagsusulat.
Naalala niyo ang una kong tanong kung nakabasa na kayo ng nobelang naglalagay ng mga clue sa bawat pahina na sa huli magbibigay ng malaking parte sa isang kwento.
Ito lahat yun. Mula sa simpleng pagbabasa, hanggang sa simpleng pagsusulat para lang wag dumaldal, simpleng panalo sa journalism, simpleng utos ng boss gumawa ng tech blog, simpleng akma ng hakbang gumawa ng bagong akda. Nandito ako ngayon.
Nagbibenta ng unang libro kong nalimbag.
May nagtatanong kung ilang taon ko bago nakumpleto ang “Anong nangyari kay Wallace?”. Nababanggit ko na anim na buwan, dahil sa free time ng pandemic.
Pero ang totoo, it took a lifetime to create something like this. To be where it needs to be. Kung sa kwento ni Wallace na matagal niyang hinanap ang pag-asa at ang saya niyang nakita niya to ulit.
Ganun din ako sa pagsusulat. Naghiwalay ang landas namin ng isang buong dekada. Pero sa huli,nagtagpo kami sa isang landas kung saan handa kami pareho.
Kung saan kaya na naming tuparin ang pinangarap ng isang bata noon sa loob ng isang classroom - tuparin ang pangarap sa kanya ng mga taong naniwalang mangyayari ang araw na ‘to balang araw.
I know, di pa ko patay kaya marami pang mangyayari. Alam ko marami pang aspeto ang buhay ko na matutupad. Bukod sa pagsusulat may iba pang plano ang Panginoon sakin.
Pero nakakatuwa lang isipin na nag full circle ang literatura sa buhay ko. Marami pa kong kakaining bigas para sa finale ng kwentong ‘to. At least ngayon alam ko nang effective yung mga kain ko ng dinorado nun.