ClickBalang - Chapter 1

#8letters #mitolohiyaPH #filipino #myth #tagalog #novel #chapter

Chapter I: Viral Video

 

Gusto sanang mag-comment ni Joseph sa isang post sa Facebook nang biglang kunin ni Carie ang cellphone niya. Bagsak ang balikat syang lumingon sa kasama para iparating na kabastusan na ginawa nito.

 

“You promised!” paalala nito sa kanya.

“Magre-reply lang ako.” sagot ni Joseph. Mababa ang boses pero mariin. Mabigat ang puso sa mga nababasa online.

 

“Andito tayo para magpahinga. Magreconnect sa nature, hindi para basahin ang mga dahilan kung bakit tayo dapat mamundok.” sermon ni Carie.

 

Umaalingawngaw ang boses nito sa gitna ng gubat. Nilingon sila ng guide para malaman kung bakit sila huminto sa paglalakad. “Okay lang kayo?” tanong nito.

 

“Ayos lang kami, Kuya.” sagot ni Carie. Tinitigan ng matalim si Joseph, na kasalukuyang nakayuko pa rin at nakatulala sa lupa. Nilagay niya sa sariling bag ang cellphone nito para ilayo sa binata. “Tara na.” yaya niya. Padabog namang sumunod si Joseph. Dahil wala ang cellphone, ginawa niyang pagkakaabalahan ang ipalo sa mga nadadaanang damo ang hawak na sanga ng kahoy.

 

“Magtabi-tabi po ka.” pabiro ang boses ng guide. Agad napahinto si Joseph.

 

Galit na sa kanya ang buong bansa(o posibleng buong mundo), wala syang balak magdagdag ng mga galit pa sa kanya, lalo na engkanto. Kahit hindi sya naniniwala, mahirap na. Hindi sya nag-iisip nung gawin niya yung nasa viral video. Hindi niya rin akalain na mangyayari at magiging totoo sa kanya ang ibang tinatawanang video sa social media.

 

Pero naging totoo. Naging isa syang ganap na meme. Malay niya ba kung totoo rin ang mga engkanto, di’ba?

 

Tinapon niya ang stick sa gilid na damuhan at nagpatuloy sa paglalakad.

 

“Privilege daw ako.” biglang sabi niya sa gitna ng lakad nila sa gubat. Magdadapit-hapon na at nagmamadali na silang maglakad papunta sa camp site dahil mahirap gabihin.

 

“Hindi ka nila kilala,” sagot ni Carie.

 

“Naglitanya si User503 na yung mga katulad ko raw ang dahilan kung bakit may mga mahihirap.” paliwanag ni Joseph.

 

“Hala! Bakit naman? Nagnanakaw ka ba sa kaban ng bayan?”

“Wala rin daw karapatang mabuhay ang mga nananakit ng kapwa.”

“Aksidente ‘yun”

“Hindi sya aksidente, base sa video.”

“That doesn’t define you”

“Pakiramdam ko, oo.”

 

“Hindi” madiin ang boses ni Carie. Pagod na sya sa pagsi-self-pity ni Joseph. Matalik na kaibigan niya ‘to since highschool kaya marami syang pinaghuhugutan ng lakas para ilaban ang kaibigan. Pero nitong nakaraan, matapos sumabog ang viral video sa internet na nagpalugmok sa kaibigan, nagsimula ‘tong maging concern sa sinasabi ng mga tao sa social media.

 

Naiirita na si Carie. Naiisip niya nang bilisan ang lakad para iligaw ang kaibigan sa gubat. “This trip is supposed to be fun.” bulong na reklamo niya sa sarili. Pero hindi sya susuko kay Joseph. Masayahing tao talaga ang kaibigan niyang ito. Matulungin at masipag sa eskwela noong nag-aaral pa sila na nadala nito sa trabaho. Tingin lang talaga ni Carie na kahit sinong malagay sa sitwasyon ni Joseph, mararamdaman ang pagkakalugmok lalo na kapag pinagtutulungan ka na ng buong bansa.

 

Pinilit niyang makipagtalo.

 

“Twenty-four thousand ang nagsabing ‘oo, masama kang tao’. At least dyan lang sa isang post na yan.” sagot sa kanya ni Joseph.

 

“Hindi nila alam ang nangyari,” pagtatanggol ni Carie.

 

“Oh wait, hindi mo ba napanuod? It’s clear, actually… Sa loob ng fastfood, naandun ako at bigla na lang, kumuha ako ng tray at pinagpapalo ang pulubing malapit sa’kin. ‘Apparently’ first time ng pulubing pumasok sa isang fastfood chain dahil pinag-ipunan niya daw ang pagkain doon. Dahil ‘DAW’ nandidiri ako sa pulubi. Pretty straightforward to me…” basag ang boses ng binata sa pag-uulit ng kwento.

 

“But really, why did you do it?” tanong ni Carie. Hanggang ngayon, walang pinagsasabihan ang kaibigan kung bakit bigla syang namalo ng tray sa ulo ng isang pulubing hindi niya naman kilala o kahit may atraso manlang sa kanya.

 

Kailangan ni Joseph ng kakampi. Sa totoo lang, pinilit niyang magpaliwanag sa mga nangyari. Nag-comment sya sa video bago pa man ito magkaron ng million views and reactions. Pero nakatanggap sya ng mga pamumuna sa dahilan niya. Pinilit niyang isigaw sa kanila ang dahilan pero lalo lang lumala at ginamit ang mga sinabi niya para punahin.

 

Doon niya naisip na ganun ang social media. Aantayin ka nilang magsalita, hindi para intindihin, kundi para punahin.

 

Dahil dun, wala nang pinagsabihang dahilan si Joseph. Nanahimik sya sa kahit kanino kahit sa mga kaibigan at pamilya. Nagkulong sa kwarto at dun madalas umiiyak at binubuhos sa online games ang sama ng loob.

 

Pinilit lang sya ni Carie, ang natitirang kaibigan na handa syang intindihin, na sumama sa hike nito sa isang ‘di kilalang bundok. Tamang-tama, sa isip-isip niya, gusto niyang tumakas sa mundo. Sumang-ayon ang pamilya ni Joseph na sumama sya sa isang kundisyon:

‘Wag syang tatalon sa bangin.

 

Natawa si Joseph nang magbiro ng ganito ang Papa niya. Kahit ano namang mangyari ay ‘di niya maiisip gawin ‘yun sa sarili. Naramdaman niya lang talagang nag-aalala ang mga magulang kaya pinilit niyang lumabas at gumawa ng mga bagay na magpapakalma sa kanila.

 

Matagal na nakatulala sa kawalan si Joseph dahil sa tanong ni Carie. Ayos nga lang bang sabihin niya sa kaibigan ang dahilan? Papano kung hindi rin sya maintindihan nito at lalo syang husgahan?

 

Tuloy-tuloy lang ang lakad niya habang nakikita niyang bumibilis ang lakad ni Carie. Bumibilis ba ‘to o bumabagal sya? Binabalak na ba syang iligaw ng kaibigan dahil hindi niya sinagot ang tanong nito? At dahil naiirita na ‘to sa kanya?

 

“Carie!” sigaw ni Joseph. “Antayin mo ‘ko!”

 

Napapansin niyang mabilis na talaga ang lakad ng kaibigan kaya binilisan niya na rin ang lakad. “Honestly, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko…” pahingal-hingal ang sagot niya kay Carie habang hinabol niya ang napakabilis na na lakad nito.

 

“Kasi yung pulubi…” hingal na hingal na sya.

 

“Yung pulubing ano…” hingal. Mabilis na lakad. hingal.

“Lalaki ‘yun… di’ba?” hingal.

“Nakita ko…” hingal.

 

Natakbo na sya sa gitna ng gubat. Nakikita niyang natakbo na rin kasi ang kaibigan.

“Bat ang bilis mo tumakbo, Carie! Kabayo ka ba?!” sigaw ni Joseph habang hinahabol ang hininga.

“Taeng-tae ka na ba!” sigaw niya nang bigla syang nadapa dahil sa nakausling malaking ugat ng puno.

 

Agad syang tumayo sa takot na makahawak sya ng linta o ahas sa pagkakadapa sa madamong daan ng gubat. Pagkatayo niya, nilingon-lingon niya ang paligid.

 

Madilim na. Hindi niya alam kung dahil sa laki at kapal ng mga puno o talagang tuluyan nang lumubog ang araw.

 

“Carie!” sigaw niya.

“Kuya!” tawag niya sa guide. “Nasan na kayo?!?!” patuloy ang sigaw niyang umalingawngaw lang sa gitna ng gubat. Wala syang dalang compass para malaman kung saan pupunta. Hindi niya alam ang daan sa bundok na ‘to.

 

Kinapa niya agad sa bulsa ang cellphone para tignan kung may matatawagan sya o kahit compass app.

 

Hanggang sa maalala niya, na kay Carie ang cellphone niya.




Ang Kwento ng Vlogger

 

Food blogger si Ernesto o mas kilala bilang si #TravelEater. Ayos sanang sabihin na “mas kilala” kung talagang kilala sya. Dalawang taon na ang channel pero nasa isang daan palang ang followers nito. Lima pa dito, account ng sariling ina (Troll farm niya ang ever-supportive na magulang na naglalagay ng mga planted comments at good reviews sa channel).

 

Pinili niyang mag vlog sa isang fast food chain dahil una sa lahat, wala na syang pera. Malaki-laki ang nagastos niya para mag vlog sa isang kilalang restaurant na nagbigay lang sa kanya ng 42likes at 124views. Ang tumal maging vlogger. Akala niya talaga madali lang dahil sa mga napapanuod niyang lumalaking channels online.

 

Mahirap pala. Ayaw niya naman gumaya sa ibang vlogger na nagmumukang ewan para lang sumikat. Mga kumakain ng apoy, uod, bubog, dumi ng electric fan.

 

Sinubukan niya ang unboxing ng mga laruan, naubos lang din ang pera niya kaka-order. Ang nanay namang sobrang supportive ang bumili nang bumili.

 

“Kailangan ko lang ng break” bulong niya sa sarili. Habang vini-videohan ang order niyang fried chicken at fries na may spaghetti, humihiling sya ng big break. Hanggang makarinig sya ng sigaw.

 

“HOY!!!” boses ng lalaki. Parang may gulo. Tuloy-tuloy ang recording sa cellphone habang nagkakaron ng gulo. Hinanap niya kung saan galing ang sigaw. Nakita niya ang isang empleyado na nasa panglimang table mula sa kanya.

 

ITO NA ‘YUN. Bulong niya sa sarili. TInututok ang camera sa lalaking sumigaw nang galit. Sinisigawan nito ang isang pulubi na nasa likuran niya. Mukang matatamaan ang pulubi.

 

“Kawawa naman.” awa niya. Pero hindi sya dapat makialam. Ito na ang dinadasal niya. Hindi niya inawat ang lalaki. Medyo nagdasal pa na sana manakit talaga. Syempre, boring naman kung sigawan lang, di’ba?

 

Parang nakaayon ang mga bituin kay Ernesto nang biglang kinuna ng lalaki ang tray sa isang table at nagsimulang paghahambalusin ang pulubi. Hindi ‘to agad nakapalag dahil mukang hindi niya inakalang papatulan sya ng lalaki.

 

Malas niyang tila wala ‘tong pakialam sa mga tao sa paligid. Walang umawat sa lalaki. Lahat nanunuod lang. Parang ini-enjoy pa ang palabas. Halos maiyak sa tuwa si Ernesto.

 

Nang magkaron ng lakas ng loob tumakas ang pulubi, agad itong tumayo at tumakbo palabas. Nakatulala lang ang lahat sa lalaki, saka nito napansing pinagtitinginan sya ng mga tao. Nang mapansin niya ang video ni Ernesto, parang nagising ito sa hipnotismo kaya nagtakip agad ng mukha.

 

Tumakbo sya palabas ng fast food chain.

 

Cut recording. Agad umuwi si Ernesto. Para syang batang may bagong laruan na hapit na hapit umuwi at pumasok sa kwarto para i-save ang video.

 

Syempre, i-edit niya ‘yung simula ng video. Syempre tatanggalin niya ang friend chicken, ang pangit niyang intro, ang spaghetti, ang fries, at higit sa lahat, ika-cut niya ang audio ng totoong nangyari, kung ano talagang pinagsimulan ng gulo.

 

Syempre, tatanggalin niya ang dahilan ng ipipinta niyang kalaban.

 

Inedit niya ang video sa puntong paglapit ng lalaki sa pulubi, sa pagdampot nito ng tray hanggang sa walang awa nitong pananakit.

 

Click ‘Save’.

Click ‘Export’.

Click ‘Upload’.

 

Natulog si Ernestong nagdadasal na sa mag click ang video sa internet.

 

Pag-gising niya kinabukasan, hindi sya nagkamali, hit ang video(literal). 12k likes, 43k reactions, 24k comments. Nakita niyang shini-share na ng mga sikat na vloggers at may sariling komento sa caption. Nakita niya ring may mga stitches ng video at edit sa ibang kilalang personalidad na nagpapaliwanag ng sitpatya nila sa pulubi.

 

Massive hit ang natamo niya (tulad ng pulubi mula sa lalaki sa video). Nagsimula ang pagsikat niya. Nakita niya ring lumaki ang followers sa page na talaga namang kinatuwa ng ina. Dumagsa ang comments:

 

“Critical hit si Manong Grasa, haha”

“Manong grasa tumamo ng stress mo sa trabaho.”

“#JusticeForManongGrasa”

“‘Yung GF mo kapag kinain mo yung balat ng Crispy Fried Chicken:”

“Diring-diri si kuya kay Manong Grasa eh noh!”

 

Napansin niya rin na may nagtatag ng official page ng kumpanya kung saan nagtatrabaho si kuya sa video. Somehow naimbistiga na ng mga tao sa internet.

 

Sa gitna ng kasiyahan niya sa viral videong na-upload — na sa wakas ay nagkaroon sya ng viral sa buong buhay niya — isang pangalan ang nakita niyang nagpa-private message sa page niya.

 

Joseph Raya. Ito ang pangalan.

 

Agad niyang binuksan ang message at binasa. Nagpakilala ito bilang lalaki sa video. Nagpapaliwanag. Nakikiusap na ilabas ang buong video at buong usapan sa nangyari.

 

Naisip gawin ‘yun ni Ernesto. Naisip niyang dapat maibigay din ang kwento ng magkabilang panig. Naisip niyang gawin ang tama.

 

Pero, sa libu-libong taong nagbibigay sa kanya ng tagumpay? Sa ticket niya sa panibagong buhay? Hindi pwede. Kung tutuusin, hindi niya na problema ang magpaliwanag. Nagpakita lang sya ng video. Nagbigay lang sya ng kung anong nakita niya. Ang iba pa niyang nakita ay para sa kanya na kung itatago o ilalabas.

 

Wala syang responsibilidad sa ibang tao.

 

Matapos kumbinsihin ang sarili na tama ang ginagawa. Agad syang nag type ng reply.

 

“Kuya, alam mo, dapat kasi nag-iisip tayo bago tayo manakit ng ibang tao.”

 

Click ‘Send’. Click ‘Blocked’.

 

Nagsimulang lumaki ang channel ni Ernesto.

Walang ideya sa nangyayari sa kabilang linya ng screen.

 

Ang mahalaga, nakuha niya ang big break na kailangan niya. “Thank you, Lord!” bulong na dasal niya.




Sinaunang Internet

 

“Beatbox ka ba?” tanong ng isang kalaro sa batang si Joseph. Pinagtatawanan ang pagkautal nito kahit na pitong taong gulang na. Magaling sa maraming bagay si Joseph. Magaling sya sa Math, Science at sa Writing. Bukod sa isa, malaking problema niya ang public speaking.

 

Nagtataka syang maayos naman syang magsalita kapag sya lang mag-isa. Pero kapag may ibang tao na, kapag sa harap ng maraming tao, nauutal-utal sya. Lalo na kapag nakita niyang nagtatawanan ang mga ito dahil sa kanya.

 

Madalas syang umuuwi sa bahay na umiiyak dahil nabully nanaman sa playground ng ibang bata dahil sa pagsasalita. Pakiramdam niya’y hindi na sya magkakaroon ng mga kaibigan dahil dito kaya minabuti niya nalang mag-aral na lang nang mabuti.

 

Nagbago ang lahat nang nauso ang internet noong naging teenager na sya. Nauso ang mga online chats sa messenger at comment section. Nauso rin na maitago mo ang sarili mong identity at magkaroon ng bago at “cooler” version sa internet chatrooms.

 

Dito niya nagawang magamit ang kaalaman na natutunan sa eskwela at ang mukha ng pinsan bilang profile picture. “Pogi si kuya Eloy, malamang madaming gustong makipag-usap sa’kin kapag sya ang profile ko.”

 

Hindi sya nagkamali. Madami syang naging kaibigan dahil dito. Naging mas confident syang makipag-usap sa tao sa mga chats at dito sya nagkaroon ng tapang. Early stage to ng internet sa Pinas kaya wala pa ang mga Tita mong nagsisend ng glittering “Good morning”s sa chat noon. Purong mga random people all over the globe ang kausap.Dahil matalino si Joseph, madami syang nababahaging topic sa mga chatrooms. Sikat na sikat sya sa pangalang “Jhampet”. Nakakatawang may unnecessary ‘H’ ang username niya pero gaya nga ng sabi ko, early stage to ng internet sa Pinas.

 

Dito din sya nagkaroon ng pagkakataong makipag-away ng diretso. Walang utal sa chat. Malinaw ang pagkakasabi ng bawat atake ng mga salita niya. Hindi sya utal. Gwapong gwapo sya sa sarili niya kapag binabasa ang mga messages at comments niya sa kaaway sa internet. Ang galing niya.

 

Ito pala ang kapangyarihan ng internet. Ang anonymity.

 

Hindi sya si Joseph na beatbox magsalita. Hindi sya ang batang binubully ng iba sa playground dahil hindi niya masabi ang salitang “Taya!” sa taya-tayaan.

Siya si Jhampet. Heartrob ng Chatroom#361 na gwapo na, matalino pa.

 

Ang saya ng internet.Dito sya nagdesisyon na magiging kampon sya nito. Binalak niyang kumuha ng kurso sa kolehiyo na related sa computer. Naging IT student sya ng kilalang school at naging magaling sa programming. Minahal niya ang information technology kaya minabuti niyang mas palaguin ito bilang isa sa mga magpapalaki ng websites at tech para sa communication.

 

“Hindi natin alam ang hinaharap” wika niya sa sarili. “Balang araw, magiging sobrang laki ng internet na lahat na tayo, naka-rely dito.” ito ang pangarap niya.

 

Fast-forward sa viral video niyang nananakit ng pulubi.

Fast-forward sa mga comments laban sa kanyang walang balak pakinggan ang side niya

Fast-forward kung saan binabanggit ng mga tao ang buo niyang pangalan: Joseph Raya.

 

Naging bangungot ang pangarap niya.

 

Dinarasal niyang sana hindi malawak ang internet.

Dinarasal niyang sana walang gumamit ng internet.

Sana biglang maputol lahat ng connection ng mga tao.

Sana bumalik ang lahat sa paglalaro sa playground.

 

Fast-forward na halos ayaw niyang makitang tumunog ang notification ng cellphone dahil isa nanamang masakit na comment laban sa kanya(na walang kinalaman sa video) ang mababasa.

 

Fast-forward sa gitna ng gubat, kung saan wala ang cellphone niya dahil naiwan niya ito kay Carie na niligaw sya sa gubat.

 

Fast-forward sa paglakad-lakad niya sa gitna ng kawalan. Iniisip kung parehong punong nadaan niya kanina ay ang parehong punong nasa harapan niya.

 

Fast-forward sa bigla niyang nakitang hayop na “Fastly moving Forward”.

 

Other Chapters: