ClickBalang - Chapter 5

#8letters #mitolohiyaPH #filipino #myth #tagalog #novel #chapter

Chapter V: Enchanted Coins

 

“Ready ka na sa bagong feature?” chat ni Bagwis sa acount ni Joseph.

“Oo.” sagot ni Joseph. Inabot lang ng tatlong linggo ang update. Tatlong araw sya diridiretsong nagti-test(na trabaho dapat ng isang tao pero dahil one-man team ang programming, sya na rin ang gagawa nito.) habang pinapaliwanag kay Bagwis ang mga gusto niyang mangyari.

 

“Bagong feature ‘to na magpapaboost ng ikot ng mata nila sa website. Magkakaron din sila ng bagong content na makakadagdag sa iba.” mas papalalain nito ang pagkaligaw ng mga tao, pero this time, meron silang pagkakakitaan.

 

“Basta ang mangyayari, may criteria tayo kung maganda ‘yung content nila, bibigyan natin sila ng points.”

“Papanong maganda?” tanong ni Bagwis.

“‘Yung tipong nakakabuti sa kapwa.” simpleng paliwanag ni Joseph.

 

“Anong mabuti?”

“Sanggol ka ba? ‘Di mo alam ang mabuti?”

“Mas alam ng taong sanggol ang mabuti kaysa sa mas nakakatanda.”

 

Sabagay. Nakonsensya si Joseph sa sagot niya kay Bagwis.

 

“Basta ‘yung tipong makakatulong sila sa kapwa. ‘Yung uplifting. ‘Yung nakaka-inspire. Ganun” todo effort niyang paliwanag.

 

“Malalaman kong bumubuti ang ibang tao kapag nabawasan na ‘tong nagmimessage sakin ng mga masasakit na salita” bulong niya sa sarili. At oo, nakabukas sa second monitor niya ang lumang social media kung saan sya pa rin si Joseph Raya. Tuloy-tuloy ang mga pangit na mensahe sa kanya ng mga tao. Buwan na ang nakakalipas pero may mga taong hindi parin nakakamove-on. May mga late kasing nakikita ang mga trending kaya ngayon palang sila nakakareact. Tuloy parin ang contact sa kanya ng mga TV personality para mag guesting sa vlogs and TV shows para daw ipaliwanag ang side niya. Wala syang balak kagatin ‘to dahil alam niyang mas lalala lang ang sitwasyon.

 

Nagsimula syang mag add ng “under-maintenance” page sa website. 5 minutes lang naman. Madali lang ma-deploy ang bagong feature.

 

Pagkaturn-off sandali ng website, dito niya nalaman ang lakas ng epekto nito sa tao. Halos sumabog ang outrage sa ibang socmed.

 

“DOWN ANG CLICKEDT!!!!”

“#IbalikAngClickedT”

“Papano na lang ang pinapanuod ko!”

“Sandali lang, mga uhaw.” bulong ni Joseph. Natataranta syang nilagay ang feature at agad binalik ang website. Kasalanan din naman niyang hindi niya sinabing may bagong feature at magkakaroon ng maintenance. Gusto niya kasing masurpresa sila sa mga bagong pwedeng magamit.

 

Nang matapos ang deployment at makabalik ang ClickedT online, agad syang nagsend ng message:

 

“Going LIVE! In 20 minutes…” ito lang ang message niya. Alam niyang maiintindihan na ‘to ng mga tao. Alam niyang nakaabang na silang lahat. Ito talaga ang surpresa niya sa kanila. Makikita nila ng live si Mr. Click.

 

Syempre hindi niya ipapakita ang mukha at babaguhin niya ang boses. Gagawin niyang mas malalim para mysterious. Nakuha niya ang ideya nang makita niya ang lumang maskara na ginamit pa niya nung highschool. Wala na sigurong makakaalala nun kung ‘yun ang gamitin niya. Isa pa, ilang eskwelahan ang gumamit nun.

 

10 minutes. Nakikita niya kaagad na nawala na sa isip ng mga tao ang pansamantalang pagkaka-down ng ClickedT. Excited na silang makilala ang founder ng kinagigiliwan nilang app. Excited na rin si Joseph. Hindi niya alam ang mararamdaman na nitong mga nakaraang buwan lang, galit na galit sa kanya ang mga taong ito(karamihan sa kanila, galit parin, hindi nga lang nila alam) pero ngayon, inaabangan na ang paglabas niya. Bukod sa nakamaskara sya at basically ibang tao sya sa kanila.

 

5 minutes. Dito kinabahan si Joseph. Na concious sya bigla sa itsura ng kwarto niya. Makikilala ba nila ‘to? Agad syang lumipat sa puting pader na background. Hinanda ang mga gagamitin at sasabihin. Kailangang walang hint na siya si Joseph. Pinilit niyang baguhin ang pagsasalita sa hinanda niyang speech.

 

20 seconds. Ready na ang camera, siniguro niyang wala ang mga magulang sa bahay kaya walang biglang kakatok sa kwarto. Handang handa sya.

 

5 seconds. Game. Isinuot niya nag maskara. Naalala niya ang mga panahong kakasimula palang ng internet at wala syang confidence humarap sa online gamit ang sariling mukha kaya profile picture ng pinsan ang ginamit. Ganun ulit ang nangyayari ngayon. Nakakakuha pa rin sya ng loob sa pagtatago kung sino sya talaga.

 

“Hi mga ClicKababayans!” bungad niya. Habang pilit na pilit magpalalim ng boses. Bakit ba naman kasi hindi sya gumamit ng application pampabago ng boses. Huli na para magsisi.

 

“Pagpasensyahan niyo na ang kasalukuyang pagkawala ng ClickedT. Dahil may mga hinanda kaming mga pagbabago.” nakikita niya ang bilang ng mga nanunuod ng live. Umaabot na ito ng 500 thousand viewers. Nakatutok na ang buong bansa dito. Grabe ang nilaki ng social media simula nang maidevelop niya ito. Sa tulong din syempre ni Bagwis dahil walang ibang application ang biglang sisikat ng ganito sa ganun kaiksing panahon. Ganunpaman, kulang at napakalayo parin nito sa Limang milyong tao nilang target para manalo si Bagwis. Hindi niya rin alam kung gaano kahalaga ‘to sa Tikbalang pero gusto niya na rin tumulong.

 

“Isa na dito ang pointing system. Kada galaw niyo sa app, base sa mga mabubuti niyong gagawin at base sa mga natutulungan nito, magbibigay kami ng enchanted coins. Kada coins, ay katumbas ng piso.” malaking bahagi ‘yun pero alam niyang sa buhos ng sponsors ng app, kaya nyang magbigay ng marami. Isa pa, sila naman ang magdedesisyon kaya pwedeng liitan niya ang bigay ng coins kung wala syang pera.

 

“We will choose based on your act and content.” ito ang sinabi niya.

 

“Marami pa kaming updates tulad ng mga bagong available games from other developer sponsor. New Threads of chatbox and filter for each country and now every region of the philippines.” dumami na rin ang mga new developers ang sumali sa pagdevelop ng ClickedT. Dito nila nalalagay ang mga bagong develop na games na nakakaipon ng recognition.

 

“That’s all for today, and enjoy clicking!” ito ang huli niyang sinabi.

 

Agad niyang tinignan ang analytics. Binuksan ang tab kung saan magbibigay si Bagwis ng mga qualified for enchanted coins. Halos pumalo sa trending topic ang bagong sistema. May mga nag-aupload ng mga inspirational qoutes at mga videos na educational.

 

“Magiging maganda ang epekto nito sa kanila.” bulong ni Joseph sa sarili. Binabasa niya rin ang mga PM sa kanya bilang si Mr. Click.

 

“Thank you sir sa pagkakataong kumita kami!”

“Ang ganda ng clickedT! Sobrang pang masa”

“Sana po sir, ‘wag kayong magbago.”

 

Isang comment ang umagaw sa paningin niya. Galing sa isang Leo Murawa:

“Salamat po talaga sir, sana po ay bigyan pa po kayo ng Panginoon ng mahabang buhay.”

 

Hindi alam ni Joseph kung magagalit sya o matatawa nang  kumpirmahin sa luma niyang account sa dating gamit na social media. Sa account niyang Joseph Raya kasi, may message din si Leo Murawa:

 

“Mamatay ka na Joseph Raya. Sana kapag natulog ka, ‘wag ka nang magising.”

Negative 300

 

Sa tinagal-tagal na nagtatago si Joseph, ngayon lang sya ulit nagkaroon ng tapangg lumabas at magkape sa paborito niyang kapehan. Hindi niya parin kasama si Carie dahil busy parin daw. Lalo ngayong lumabas ang pointing system, lalong magiging abala ang mga naeengkanto ng ClickedT dahil kailangan nilang pagtrabahuhan ang mga puntos. Kagabi lang ay maraming nabigyan sa listahan si Joseph(as suggested ni Bagwis) dahil mabilis silang nakaipon ng mga mabubuting gawa sa app.

 

Kanya-kanya sila ng mga pakulo.

 

May mga nag-upload ng mga tutorial tungkol sa mga aralin sa school. May mga gumawa ng mga arts, nagtataguyod ng mga groups na nag-encourage magpinta at magdrawing, traditional man o digital.

 

Sa totoo lang, madaming magagandang nangyari simula nang magkaroon ng pointing system. Lalong minabuti ng mga tao ang gumawa ng mga magagandang bagay. Walang nagmumura sa comments dahil napansin nilang isa ‘yun sa nagpapabawas ng points. Napansin din nilang kapag may maganda silang interaksyon sa kapwa, nagkakaron sila ng puntos.

 

Walang bullying. Naimagine niyo ba ang social media na walang bullying? Sobrang saya. Siguro nakatulong na nilagyan ni Joseph ng negative points ang mga kagaya ni Ernesto. Si Ernesto mismo nakatanggap ng total ban dahil sa pambubully ang naging focus ng account. Hindi niya na mabawi ang libo-libong points na ibinawas ni Joseph sa kanya dahil sa viral video niya sa pulubi. Wala nang pag-asang umahon si Ernesto pero dahil nasa ilalim parin sya ng kapangyarihin ni Bagwis, hindi sya makaalis sa ClickedT.

 

Mabuti ang mga nangyayari. Unti-unting humuhupa ang mga may kilala sa kanya at humuhupa rin ang mga masasakit na message sa original account ni Joseph. “I’ve been overthinking it.” ito ang nasabi niya sa sarili. Kaya sya nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas mag-isa.

 

Malaya na sya.

 

Nakikita niyang nasa 2.5 million na rin ang users ng ClickedT. Nakakatuwa malapit na ring makuha ni Bagwis ang gusto.

 

Team celebration ang pagpunta niya sa coffee shop. Para sa tagumpay nilang dalawa ni Bagwis.

 

Masaya syang namimili ng kape sa counter. Hindi makapili sa mga inumin dahil ang tagal niyang hindi nakalabas. Ngayon niya lang naisip na halos mapurga sya sa kape sa bahay.

 

“I think isang order na lang ng…” hindi pa sya tapos magsalita nang makaramdam sya ng isang kalabog sa ulo. Ang tagal bago magregister sa utak niya ang nangyayari. Nakapalo na ng panglimang palo ng tray sa kanya ang isang lalaking hindi niya kilala.

 

“Anong pakiramdam ng pinapalo ng tray?! Ha? Joseph?” sigaw ng lalaki.

 

Agad na tinulak ang lalaki ng isang barista. Pinipilit pa nitong makapang-abot ng isa pang hampas kay Joseph pero malakas ang gwardyang napigil dito. Napaupo lang sa sahig si Joseph. Takot, pagtataka at pagkalito ang nararamdaman niya. Kahit na hindi pa sya dapat magtaka dahil nagkamali sya ng tantya sa mga tao. Hindi pa ligtas lumabas.

 

Tuloy-tuloy ang sigaw ng lalaki sa kanya. “Matapobre ka! Dapat sa mga katulad mo pinapatay!” grabe ang galit nito. Hindi ito maawat na kumalma kaya ang gwardya na ang nagkaladkad dito palabas.

 

Nang humupa ang ingay sa coffeeshop, tsaka lang nahalata ni Joseph na nakalabas lang ang mga cellphone ng mga tao. Kinukuhaan sya ng video. Hindi sya nakakilos kaagad.

 

Ganito siguro ang pakiramdam ng pulubing pinaghahataw niya ng tray.

 

Tumingin sya sa paligid. Hanggang marinig niya ang pamilyar na tunog. Notification ng ClickedT. Nadagdagan sila ng puntos. Nagkaroon ng Enchanted coins ang mga kinuhanan sya ng video. “Papano?” pagtataka ni Joseph. “‘Ni hindi nila ko tinulungan?” bulong niya sa sarili.

 

Agad syang tumayo at naupo sa isang malapit na upuan. Chineck niya agad ang admin side ng ClickedT para tignan ang mga account na nasa paligid. Nakita niya ang mga post ng mga nasa insidente.

 

“OMG, kawawa naman si kuya. Sending prayers <3” 3 coins.

“Kawawa naman. :(” 2 coins.

“For me, mali pa rin ang gumanti tayo kahit na ginawa ‘to ni kuya kay manong grasa.” 10 coins.

 

“Wala naman silang ginawa.” ito ang naikot sa isip ni Joseph. Isang dahilan na kaya lang husgahang totoo ni Bagwis ay ang kilos sa loob ClickedT. Being concern is worth a point. Sya pa ang nagsabi nito sa Tikbalang. “I have to lower that…” mental note niya.

 

Ilang minuto pa ay dumating na ang drinks niya. Narinig niyang tinawag ang pangalan niya kaya aakma na sana syang tumayo. Hindi niya alam na medyo hilo pa pala sya. Isang babae ang nagkusang tanungin sya kung inumin niya na ang ready sa counter. Tumango-tango lang sya. Agad pinuntahan ang babae sa counter para kunin ang inumin at ibinigay sa kanya.

 

“Okey ka lang ba?” tanong nito.

“Ayos lang. Medyo kaya pa naman. Salamat.” sagot ni Joseph habang kinukuha ang inumin. Medyo gumaan ang pakiramdam niya nang mainom na ang order. Gusto niya na lang umuwi pero uupo muna sya hanggang mawala ang hilo sa hampas ng lalaking hindi niya kilala.

 

“I’m Jena,” pakilala nito sa kanya.

“Joseph,” inabot niya ang kamay para magpakilala. “Pero tingin ko kanina pa sinisigaw ni kuya ang pangalan ko, kaya malamang kilala mo na ‘ko.” pagpapatawa niya.

 

Napangiti naman si Jena. “I just think na mali ang ginawa sa’yo ni kuya.”

“Tingin ko rin.” pagsang-ayon ni Joseph. Medyo sarkastiko ang tunog ng sinabi niya. Argumento ba naman ba kasi kung tama o mali ang manakit randomly ng tao?

 

“Gusto mo bang ireklamo sa pulis? I can help you…”

“‘Wag na.”

“Bakit naman.”

“Sabihin pa ng mga tao na ang kapal ng mukha kong magreklamo eh ginawa ko rin naman ‘yun sa iba.”

 

“Sabagay.” pagsang-ayon ni Jena.

“Sabagay?” gulat ang tanong ni Joseph.

“I mean, sabagay ‘yun ang sasabihin nila. Not that I agree with them.” paglilinaw nito.

 

“Anyway, how are you? In the middle of this chaos.” dagdag ni Jena para mabago ang usapan sa insidente.

“Ito, parang public enemy.” sagot ni Joseph. Naalala niya ang usapan nila ni Carie sa bundok.

“Hindi naman siguro lahat.” pagtatanggol ni Jena.

“Good to know.” ngiti naman ni Joseph.

“Oo naman.” pagpapakalma nito sa kanya. “Alam mo, sigurado ako may rason ‘yung side mo kung bakit nangyari ‘yun. I don’t believe that Ernesto sa mga kinakalat niya against sa’yo porket nakakuha sya ng video ng nangyari. There’s always two sides of the story.”

 

Parang sasabog ang puso ni Joseph. Bukod kasi sa mga magulang at kay Carie, ngayon lang may nagsabi ng mga gusto niyang marinig. Hindi niya maramdaman ang mga ganitong sinasabi ng mga magulang at ng matalik na kaibigan dahil syempre alam niya namang ipagtatanggol sya nito, kahit anong gawin niya. Ibang-iba na marinig ‘to sa ibang tao. Nakakagaan ng pakiramdam na may ibang tao pa rin palang ganito mag-isip sa kanya.

 

“Salamat sa pag-iisip ng ganun.” ito lang ang tanging naisagot ni Joseph.

“So, what’s your side of the story?” tanong nito.

 

Nakaramdam ng kakaiba si Joseph sa tanong na ‘to. Hindi sya sigurado kung “being nice” lang ang pinanggagalingan ng tanong o invasive na ‘to masyado. Wala syang pinagsasabihan ng totoong nangyari, kahit ang mga malalapit sa buhay niya. Hindi sa gusto niyang ilihim pero hindi niya naiisip kung may mararating pa ang pagdadahilan sa ginawa.

Isa pa, walang ibang taong nagtanong nito sa kanya. Walang ibang taong concern sa nangyari na naka-ayon sa perspective niya.

 

Nalilito si Joseph kung kakaiba ito o overly suspicious lang sya. Kakahambalos lang sa kanya ng tray, baka nagliligalig pa ang utak niya. Ganunpaman, dito naisip ni Joseph na baka oras na para masabi niya ang totoong nangyari. Kung kasama niya lang ang kaibigan, malamang kay Carie niya na nabanggit ang totoong nangyari. Lalo ngayong nagiging tagumpay na ang ClickedT. Totoo, may insidente na sinaktan sya pero isang tao lang ‘yun sa dami ng tao sa coffeeshop. Considered progress na rin ‘yun.

 

“Ang totoo kasi…” napatigil si Joseph nang tumunog ang notification ng cellphone ni Jena. Notification ng earnings ng enchanted coins. Agad kinuha ni Jena ang cellphone para icheck ang notification.

 

Kinuha rin ni Joseph ang sariling cellphone para i-search si Jena. Pasimple niyang pinicture-an si Jena para sa face recognition app ng ClickedT. Nasa admin side lang ang ganitong feature para madali niyang makita kung sino na ang nasa ilalim ng kapangyarihan ng app.

 

Agad niyang nakita ang profile ni Jena — at syempre ang isa sa top post nito na nagiging trending sa sariling app. Pinost nito ang picture niya. ‘Ni hindi ‘to nagpaalam ng pagpicture sa kanya. Nagulat sya sa caption na “Helping someone in need of a friend”. Nilipat ni Joseph ang tab para makita kung ilang ang enchanted coins na nakuha ng post na ito. 40 coins.

 

Ang buong pag-uusap na ‘yun, katumbas lang ng 40 enchanted coins. Nakita niya ang ngiti ni Jena sa natanggap na notification. Nakita niya rin na nagta-type ‘to at mukang nagawa ng bagong post.

 

Maya-maya, tama nga ang hinala ni Joseph, dahil nakita niya ang bagong post nito na “Konti na lang malalaman na natin ang kwento ni kuyang nang-api kay manong grasa. Abangan!”

 

Parang bumabaliktad ang sikmura ni Joseph. Everyone is faking it. Bukod sa addictive quality ng ClickedT dahil kay Bagwis, nagkaroon ito ng maling motibo para gumawa ng mabuti. Hindi ‘yun maiiwasan ni Joseph kahit sabihin niya pa kay Bagwis. Tumingin sya sa mga tao sa paligid. Tumingin sya kay Jena. Na nagtataka sa tagal niyang sumagot.

 

“I’m sorry, I’m not ready to share what happen to strangers.” ito lang ang sinagot ni Joseph. Tumango-tango naman si Jena. Hindi napapansing alam na ni Joseph ang plano niyang gawin. Tumayo si Joseph at nagpaalam.

 

“Kung gusto mo ng kausap, available ako sa ClickedT”. Pahabol na sabi ni Jena.

“I know.” pagpapakita ni Joseph sa cellphone ng ClickedT user account.

 

Mabilis ang talikod at lakad palayo ni Joseph.

 

Pagkauwi nito sa bahay, gamit ang admin side ng application, hinanap niya lahat ng tao sa loob ng coffeeshop. Binuksan niya ang update feature ng application at pinagbubura ang lahat ng enchanted coins ng mga taong nagpost na nasa coffeeshop kanina.

 

Si Jena naman, nilagyan niya ng negative 300.

 

Hindi aalis ang mga tao dahil sa wala na silang points, salamat kay Bagwis. Pero magtataka parin sila kung bakit nawala ang consistency ng app. Matagal pinag-aralan ng mga tao kung ano ang “mabuti” na tinutukoy ni Mr. Click at papano niya madidetect kung mabuti ang isang post o hindi. Nagbase sila noong una sa likes and reaction. Hanggang matuklasan nilang hindi ito sa pagiging sikat. Natuklasan nilang ang mga maliliit na bagay ay maaaring magdagdag sa kanila ng point, kaya ganun ang ginawa nila.

 

Ngayong nagdesisyon si Joseph na parusahan ang nakikita niyang pekeng gawain, nilagay niya ang desisyon ng “mabuti” sa sariling mga kamay.

 

Nilagyan niya ng negative 300 si Ernesto sa kabila ng pagbabawi nito sa lahat ng nagawa.

Hindi niya nalimutan si Leo Murawa na bigyan ng negative 300.

 

“Joseph.” mensahe ni Bagwis sa chatbox.

“Bakit?” tanong niya.

“Bakit mo binabago ang napag-usapan natin sa pagbibigay ng puntos?” balik na tanong ni Bagwis.

“Hindi totoo ang ginagawa nila.” sagot ni Joseph.

“Hindi natin malalaman ang totoo sa hindi.” sagot ni Bagwis.

 

“Ako alam ko.” pagpapatotoo ni Joseph sa mga nakita.

“Hindi sa lahat.” sagot ng tikbalang. “Kung may pekeng motibo, lahat sila may motibong kumita sa pointing system na ginawa mo.”

“Basta kaya kong bigyan ang gusto kong bigyan ng points at tanggalan ang mga gusto kong tanggalan,” galit na sagot ni Joseph.

“Alam mo ang mangyayari sa mga taong nasa loob ng application kung sakaling gawin mo ‘yan.” paalala ni Bagwis.

“Wala akong pakialam.” agad na sagot ni Joseph. “At wala ka ring pakialam dahil ang kailangan mo lang ay magkaroon ng mga tao sa loob. Wala kang pakialam sa kanila. Hindi mo sila kilala.”

 

Ramdam ni Bagwis ang galit sa mga sagot ni Joseph. Tumigil ang tikbalang sa pagsagot dito.

 

Alam ni Joseph ang mangyayari sa mga taong hindi masaya sa app pero hindi makakalabas. Torture ito sa kanila. Kahit makaramdam sila ng frustration at gustuhing umalis, hahatakin at hahatakin sila ng ClickedT. Mararamdaman nila ang panghihinayang sa mga nawalang enchanted coins at habang nasa app, patuloy na magtataka kung bakit nababawasan ito.

 

Hindi sila pwedeng magmove-on sa pangit na pakiramdam dahil wala silang way out.

 

Isipin niyo na lang ang pakiramdam na nawawala ka sa gubat at kung kailan may pakiramdam ka ng pag-asa, saka mo makikita ang kaparehong punong nadaanan mo na kanina.


Natulog si Joseph na puno ng galit sa lahat ng naliligaw ng ClickedT. Walang ideya sa paniniil na ginawa sa kapwa.

Other Chapters: