Birdie ni Noldie

#short-story #anecdote #life-story

Bale ayun, I have a kwento...

Tanda ko nun tawa ako ng tawa nung nabasa ko yung Hunger Games series. Alam ko nasa isip niyo: "Wow, bobo 'to ah, natatawa sa patayan ng mga teenager". Hindi naman ako dun natatawa, altho hindi ko gusto minsan yung mga teenager at yung mga life choices nila, hindi ko naman gustong magpatayan sila.

Natatawa ako kasi Birdie yung symbol ng rebellion nila. Mutant bird na nagkaron ng anak sa mga mockingbird. So mockingjay. Naging symbol ng rebellion na nagsimula ng uprising. Natatawa ako kasi meron akong similar na kwento.

Sa lahat ng nakakakilala sakin, alam na nilang napakadaldal ko talaga. Hindi ko alam pero may comfort ako sa pagsasalita. Kung kilala niyo ko ngayon mas malala ako nung bata pa 'ko since wala akong control nun. Ngayon minsan ako na mismo naiingayan sa sarili ko. Somehow laging dada ang sagot ko sa emotions ko. Mapa natatakot o kinakabahan ako, magsasalita ako ng magsasalita. Lalo na kung masaya. hahahaha. Andun ung top ng daldal ko kapag naeenjoy ko ung isang bagay.

Anyway ito na yung kwento...

So, well established na ang daldal ko talaga diba kaya you guess it, lagi akong nalilista sa noisy nung elementary. No complains naman kasi totoong maingay ako. Ang hindi ko gusto nun mga sipsip talaga masyado yung naglilista na ginagawa nilang pang power trip yung tagalista sila ng noisy.

Bata pa lang ako hindi ko na gusto 'yang powertrip kaya naging notorious ung pangalan ko sa noisy kasi utut nilang mag submit ako sa injustice diba?

Syempre sa mga gantong pagkakataon, hindi ako takot sa mga small fry kong classmate na ang tanging batuta lang eh "isusumbong kita kay mam" o kaya naman lalagyan lang ng x2 yung pangalan mo sa listahan (nung natutunan nila yung infinity symbol sa math, una nilang ginamit sa pangalan ko para i symbolize yung endlessness ng bunganga ko).

May mga small fry na naiiyak na lang kasi nga kapag may isang hindi nasunod, buong klase mag iisip:
bakit kami susunod sayong tumahimik hindi mo nga mapatahimik yung pinaka maingay?

may iba't ibang uri talaga ng mga tagalista sa board na kong nakalaban nun:

1. Tanod - Ito yung mga naglilista lang sa board. Gustong gusto ng atensyon ng mga 'to. Gustong gusto nila ng sense of power kaya favorite nilang sa blackboard maglista. Kahit na sa totoo lang, walang power un kasi by the end of the day, buburahin lang din naman yun. Nung una, ako pa nagbubura nun pero napansin kong nagagalak yung mga cleaners that day kaya hindi na ko nagbigay ng free service magbura ng board- meron naman palang gagawa nun.

2. Spymasters - ito yung mga pinaka ayoko sa lahat. Yung mga tahimik na naglilista lang. Sila na pala yung kinausap ng teacher na secretly maglista ng maingay o kaya minsan nagvo volunteer tong mga 'to. Minsan sinasabi ng mga tao ngayon na hindi ko alam 'yung pakiramdam ng ma betrayal. Tange, grade 2 palang kami naranasan ko na 'to since nagkaron ako ng katabing spymaster. Enjoy na enjoy pa ko magkwento nun. (sa naglista sakin nun, aminin mong nag enjoy ka rin sa mga kwento kong taksil ka)

3. Double agent - Ito yung nagkamali si mam ng piniling maglilista. Kasi isa syang tropa. Sa murang edad kasi natutunan ko ung way ng transaction. Ako magtuturo sa'yo ng assignment basta hindi ako malilista. O kaya, this time, lahat ng mga naglista sakin sa nakaraan, yun ang mga malilista.

4. Si Mam - YES. Minsan final boss ang naglilista kasi wala na syang tiwala sa mga alagad niya. Very hands-on tong mga gantong teacher kaya kailangang mag ingat. Kapag sila yung naglilista, wala akong choice kundi makipagtitigan sa kaibigan ko hanggang matawa sya at unang malista.

 

Well, don't get me wrong, hindi ako teacher's enemy at iskulbukol na hindi importante sakin ang school. On the contrary, masaya ako sa school. Masaya 'ko sa learning. Kapag interes 'ko yung topic kasama ako lagi sa discussion. Kaya somehow may mga teacher na paborito nila ko. Kita nila yung interes ko sa mga bagay bagay at may kapayapaan kapag ganun.

May mga teacher lang talaga na hindi ko gusto in general. Hindi ko gusto yung subject. Boring yung pinag uusapan. O kaya una palang hindi na nila ko gusto dahil sa reputation ko. 

 

So yun, umaabot sa nakikita ko yung pinakagalit ni Mam na nambabato sya ng eraser (hindi naman ako tinatamaan, na practice ako ng batuhan ng bola).

Isang araw, napagod na talaga si Mam maglista lista, napagod na sya magalit. Kaya nag declare sya ng isang law:
Lahat ng malilista sa araw na yun, maghuhubad sa harapan bago umuwi.

Terrified kami nun. Syempre, grade 2 na kami nun. Natututunan na naming mahiya sa mga birdie namin kasi nagkakaron na kami ng mga crush crush nun. Alam namin na yun na nag pinaka nakakahiyang bagay sa mundo na kayang gawin ni Mam.

Natakot ba ko nun? Oo naman.
Napigilan ba ko nun? Hindi.

Alam ko, sa murang edad, na mali na itikom ang bibig ng isang malaya. Higit sa lahat, sa murang edad gagawin niya kaming aliping parang pokpok para maging public humilation. So sabi ko, hindi yun tama.

Unsurprisingly, nalista ko that day. Sinadya ko. Takot na takot yung mga kaibigan ko nun. sabi ng katabi ko "Hala maghuhubad ka..."

I VOLUNTEER AS A TRIBUTE.

Alam niyo, patawa talaga nun si Mam. Kasi hinuli niya talaga ko na parang main dish. Alam niyang ako yung simbolo ng daldal sa classroom kaya kung may kailangang i send na message, ako yun. Ang hindi niya alam, meron din kaming mensahe sa kanya.

Pinahilera kami sa harapan. Lahat ng nakalista sa board. Para kaming kriminal. Dahil lang may boses kami.

isa isa nang pinaghuhubad yung mga nakahilera mula kanan ko. Maraming nahihiya. May mga naiyak. Ultimo yung mga sipsip na officers naaalibadbaran din kasi tinutulangan nila maghubad yung mga napalag at naiyak. Hiyang hiya yung buong classroom. May mga nakayuko kasi ayaw nilang makakita ng mga Grade 2 birdies.

Umabot na sakin yung mga officer. "Ikaw na susunod"

Hahawakan na ng president namin nun ung short ko. Sabi ko:
Ako na...

Kita ko yung mata ng kaibigan ko. Basa ko ang mga mata niya: "Natalo tayo, nold. Wala na."

AKO NA.

Kita ko si Mam. Kita ko ang tagumpay niya.

AKO NA...

Hinawakan ko yung short ko. Tapos bigla kong hinubad. Ito ang mensahe ko. Mali 'tong public shaming na ganto, pero I am not ashamed.

Nanlaki yung mata ng buong klase. Sobrang sandali lang para magpalakpakan sila. Hindi ako nakarinig ng ganun kaingay na klase dati. May nagsisigawan, nagpapalakpakan, may mga natayo sa upuan.

Narinig ko yung kaibigan ko, nasigaw sigaw sya "ITAAS MO!!! ITAAS MO!!!" tinutukoy niya yung tshirt ko. Medyo mahaba pa pala nasuot kong white shirt kaya natatakpan pa yung birdie ko nun. Alam niyo ginawa ko?

You guess it, tinaas ko talaga.

Lalo silang umingay. Lahat ng ibang nakahubad sa harap, hindi na sila naiyak. Niyakap nila ang katotohanan ng katawan nila. Nasayaw sayaw pa silang walang short sa harapan. Natatalon talon ako habang nasigaw.

This is rebellion. This is mockingjay.

Nakuha pa ng ingay yung atensyon ng kabilang classroom kaya may mga teachers na sumilip sa room namin. Tawa sila ng tawa kasi natalon talon pa ko sa saya nun. Hawak ko yung tshirt ko sa kanang kamay at nakataas ang kaliwang kamay.

Sa ngayon, malaking pasasalamat kong wala pang social media nun kundi magti trend talaga ko. #birdie.

Naka facepalm lang si Mam hanggang uwian nun. Panalo kami.

 

Fast forward the next day. Hindi na nagpaka ulit ulit si Mam magpahubad sa harapan. Bumalik sya sa pagiging dragon na nagagalit na lang kapag may konting ingay.

Ilang araw ding usap usapan sa klase yung "birdie ni noldie" at syempre, nakarating din sa parents ko yun.

Hindi naman ako pinagalitan. Nanay ko pa nga ang kumausap sa teacher. Hindi na naulit magpahubad sa klase nun, kahit ata sa buong school.

Naging bawal na rin ang magpahubad sa klase kasi nga mali nga naman yun.

 

Naghanap din si Mam ng creative na way papano gawing useful energy yung kadaldalan ko. Malamang inisip niya kung papano ma weaponize yung bunganga ko panlaban sa terorista. Tho, may mga failed attempt sya that school year, na inspire mag isip ng paraan yung mga sumunod kong teachers. Hanggang isang araw nadiscover nilang mahilig lang talaga ko sa kwento.

Kaya naisip ng teacher ko nun sa Filipino na pagsulatin ako. Sabi niya nun. "Kapag may gusto kang i kwento, isulat mo muna. Isulat mo tapos basahin mo ng paulit ulit, kapag gusto mo na yung kwento, ipabasa mo sa iba. Wag kang magsasalita, antayin mo ang reaksyon nila."

Kaya yun. Nahanap ko yung pagmamahal ko sa pagsusulat, at the same time, medyo naging tahimik ang buhay ng mga teachers ko hanggang mag highschool.

 

So ayun lang yung naalala ko nung narealize kong symbol ng rebellion yung mockingjay.

Lesson din siguro ng kwento na minsan hindi mareresolba ng dahas ang mga bagay bagay. Magaling din yung mga naging teacher ko na nakaisip sila ng ibang paraan sa kadaldalan ko nun.

O talagang hindi na lang nila gustong makita yung birdie ko. Anyway, all's well that ends well.

 

Others you might like: