Ilang Pagkakataon mayroon sa Isang Araw?

#novel #bulalakaw # ako ikaw at isang apocalyptic na bulalakaw #indie novel # indie author # author # mythology # tikbalang #short-story

Clickbalang - Book Reflection

A deep dive to the magic of “Ako, Ikaw at Isang Apocalyptic na Bulalakaw”





Papano mo nasulat ang “Ako, Ikaw at Isang Apocalyptic na Bulalakaw”?

 

Hindi ko intended maging Novella ‘tong kwento na ‘to sa totoo lang. Haha. Pero along the way, maraming unexpected na evolution ‘to simula nung mabuo pa lang s’ya sa isip ko.

 

After ma-publish ng “Ano’ng Nangyari kay Wallace?”, wala na ‘kong intensyon gumawa ng sunod na libro. Sabi ko sa sarili ko nun, ito na ung writing journey ko, nakapag-publish na ‘ko ng libro, tama na ‘to. Sabi ko nun, magsusulat na lang ako ng mga short stories tapos iku-compile ko na lang as anthology baka sakaling ‘yun na ‘yung next kong magawa.

 

Kaya gumawa ako ng outline ng anthology ng short stories. Isa dun sa mga kwento ‘yung “Bulalakaw”. Ito ‘yung original title ng short story. Basically same s’ya ng ended up na story ng novella pero in surface level lang. Nagkita sila sa rooftop, naghihintay ng apocalypse and bibigyan s’ya ng kiss ni Elya para ma experience niya lang na may lovelife and within that span of a kiss mae-experience niya yung lovelife in a span of short seconds.

 

‘Yun lang yung idea.

 

Well, may writing challenge akong sinalihan nun, na magsusulat everyday. Sa 8Letters challenge pa ‘yun, so nag-try akong sumali. Hindi pa ‘to ‘yung entry ko, iba pa. Horror ‘yun. “Lima Kami Lahat Dito” yung title. Kaso na disqualified yun kasi maaga kong natapos. Mechanics pala is araw-araw kang magsusulat hanggang matapos yung November. Mantakin mong matapos ko yung kwento ng 15days. So suggested nun na ituloy ko yung kwento. Eh sabi ko hindi ko na madudugtungan yun kasi well-thought plan na na ganun lang kaiksi yung horror novellette na nasulat ko. So yun, disqualified. HAHAHA. Writer pero ‘di nagbabasa ng mechanics. Langya.

 

Anyway, medyo na rush akong umisip ng kwento. Kaya pumili na lang ako sa existing catalog ko ng short stories. “Papahabain ko na lang,” sabi ko sa sarili ko. Takte, naiinis ako kasi late na. Imagine 15 days kailangan kong humabol (ang premyo lang naman nun, mapapublished din ung gawa mo, so medyo sabik na ko. Malay ko ba, wala pa ‘kong alam na kaya ko palang mag self-published. ‘Yung Wallace, sobrang mahal ng binayaran ko maipublish lang hahaha)

 

Ayun, inentry ko yung bulalakaw. Hoping na ‘yung concept, umabot ng 10k words at least. ‘Di ko alam na lalampas pala ‘yun dun.

 

Paano ka nag-come up sa title na “Ako, Ikaw at Isang Apocalyptic na Bulalakaw”?

 

Well, tungkol sa title, i’m just being playful sa totoo lang. Naisip ko nang bulalakaw lang yung title, kaso parang ang boring. So natatawa-tawa ‘ko nung pinost ko ‘yung working title ko sa group of writers nun. Kasi joke na di’ba ‘yung mga anime na pahabaan ng title. Tapos ginawa ko rin, akala ko matatawa sila. ‘Di ko alam na ang initial reaction nila, kahit ng mga kaibigan ko nung pinakita ko, naexcite sila. Kasi ang captivating daw ng title. Nakaka-curious daw. Tapos ‘yung idea ng plot medyo kakaiba. Usually kasi ng apocalyptic stories, may sense of urgency, itong kwentong ‘to, parang tamad na tamad kumilos, kaya basically nag-aantay na lang sila lahat. HAHAHA. Lahat ng character nag-aantay na lang.

 

Anong nag-inspire sa’yo sa new structure ng kwento?

 

Ang laking challenge na gawin s’yang novella instead na simpleng short story lang. Pero meron din namang part na naging madali. Una muna yung mahirap. Ang hirap pakapalin ng plot na naghihintay sila ng pagbagsak ng bulalakaw, tapos papano mo s’ya gagawing exciting? Papano s’ya magiging nakakakilig kung ‘yun lang ung space ng love story nila? Kaya nag-isip ako ng paraan papano nagkakainlaban ‘yung mga tao sa short span of time. Nag-isip ako ng sarili kong kalandian at sarili kong experience kung gaano ako kabilis nagkacrush sa isang taong nakasabay ko lang sa daan.

 

MAY GANUN AKONG EXPERIENCE. WAG NIYO KONG I-JUDGE. Haha. Anyway, ayun, naisip ko, what if si Martin, maramdaman sa isang stranger na kagaya ni Elya ‘yung naramdaman ko nun? Tapos ang experience ko nun, may boyfriend na pala ‘yung naging crush ko kaya gusto ko ng ganung twist (pero hindi exactly ganun, although na-tempt akong gamitin ‘yung material na ‘yun, ayokong gawing cheater si Elya sa end of days di’ba), kaya nagbigay ako ng twist na nag contrast sa character nilang dalawa.

 

That leads me sa madaling part, kaya ‘yun ung isang attempt ko sa new structure. In this long run of a novel, magkakainlaban sila pero hindi pilit, ‘yung sobrang natural, pero medyo rush kasi meron lang silang today. Nakaka-enjoy maglagay ng banter between them, tsaka ng other element kagaya ni Greg, ng mga gangster sa mall, yung naghahanap sila ng cart. Nakakatuwa kasi diba naiin-love tayo sa tao hindi dahil sa malalaking bagay na ginagawa nila sa’tin, kundi sa malilit na bagay na pinapakita nila.

 

Nasa plano mo ba ‘yung other stories?

 

WALA. naisip kong isulat ‘yung mga ‘yun sa gitna na ng novel. Alam niyo kung bakit? Kasi napapansin kong matatapos ko nanaman ng maaga ‘yung novel. Madi-disqualify nanaman ako hahaha. At sobrang close na ng mga current readers sa istorya para madisqualify ako at that point. Na-underestimate ko pala tong kadaldalan ko na tipong kaya kong tumapos ng 3k words per day kapag excited ako.

 

Kaya naisip ko, wait, commercial lang sa main characters, may iba pang nangyayari sa mundo. Kaya ko naisip magsulat ng other stories. Ang nakakatuwa sobrang patok niya. HAHAHAHAHA. Hindi nila alam filler episodes lang yung mga yun hahaha. First time ko makitang kinain ng readers ung filler episodes pero at least nagustuhan niyo hahaha.

 

Nung binabasa ko nga rin yung ibang other stories, natuwa rin ako eh. Nakakatuwa kasi it follows the same theme and setting, pero somehow kakaiba.

 

Nasa plano mo ba ‘yung theme ng chances?

 

WALA RIN. ang plano ko talaga, gumawa ng isang love story na kakainin ng mga nakatambay na reader lang. Hindi ko intended maging deep ‘tong bulalakaw. Pero siguro way to ni Lord para sabihin sa’kin na “Hindi. Lahat ng magagawa mo, may silbi sa lipunan,” haha. Kaya somehow, naging love story ung marketing niya, pero boom, magugulat ‘yung mga readers pagkabasa nila, bigla silang naiiyak na tipong naiisip nila ‘yung mga gusto nilang gawin if ever magkaroon nga ng bulalakaw.

 

Nakakatuwa na readers mismo ang nagsasabi sa’kin ng “Alam mo, kung ganun, ganto ‘yung gagawin ko,” tapos ‘di nila alam, nagti-take ako ng notes kasi isasama ko sila sa other stories ng book 2. HAHAHAHA.

 

Anong epekto ng Bulalakaw sa writing career mo?

 

Dahil sa bulalakaw, napakita ko sa readers na may lighter side ako sa writing. Sobrang bigat ng story ng wallace dahil patungkol s’ya sa mental health, grief and depression. Ironically, kahit apocalyptic ‘tong story ng bulalakaw, ito ‘yung naging lighter sister novel ni Wallace. Naging unique akong writer in a sense of mapaghalo ko ang pagsusulat ng inspirational, at the same time funny stories under the premise of an apocalyptic meteor.

 

Ano’ng meron sa 2nd Edition at bakit may 2nd Edition?

 

May 2nd Edition dahil sinusubukan kong maging mas malaya sa paglilimbag ng sarili kong istorya. I appreciate 8Letters sa naging part nila sa pagiging manunulat ko, pero may mga pagkakataong mas gusto kong gawin ang mga bagay na may laya at alam kong mas makakabuti ‘to sa mga kwentong isusulat ko pa balang araw. I am glad they respected my decision. At dahil d’yan, magre-release ako ng isang Edition na may mga dagdag na other stories at may first chapter teaser ng book 2. Sobrang saya ko kasi assisted ako ng organization behind Clickbalang, na naka-receive ng mga comments na ang ganda ng pagkakapublish nila. Bago lang ang Bookmarked Publishing pero grabe ‘yung professionalism nilang binibigay sa mga kagaya kong indie author.

 

I just want to take this opportunity to thank everyone behind this story.

 

 

Abangan niyo ang 2nd edition! Pero kung gusto niyo, may mga natitira pa kong kopya ng first edition kaya order na sa gustong ma-experience ang liwanag ng bulalakaw.

Others you might like: