Mga tao sa kamay ng demonyo

#shortstory #tagalog #christian

(“Mga Tao sa Kanto ng kwarto” Part 2)

 

“Wala ka bang balak umalis?”

 

Tumigil ako sa pagta type sa laptop para lang makahugot ng tapang magsalita sa gitna ng kwarto ko habang mag isa (nag iisang tao na andito.)

 

“Ano bang problema mo” sabi niya.

 

Hindi parin ako sanay sa boses ng roommate ko. Hindi sa hindi ko sya madalas kausap. Wala naman akong problemang marinig sya - kung hindi ko alam na matagal na syang nagpaalam umuwi ng probinsya at hindi na ulit babalik dito sa apartment namin.

 

“Pwede kang gumamit ng mukha ng iba - Alam mo yun. Pwede kang umalis. Mang peste ng ibang tao.” sagot ko sa kanya habang nakatalikod parin sa kung asan sya. Pagod na pagod na kong andito sya palagi.

 

Nagsimula sa mga kalabog, mga konting pag galaw ng bangko o kaya naman pencil case hanggang umabot sa unang pagpapakita. Minsan sa pinto, minsan naman sa lamesa.

 

Hanggang umabot sa pakikipag usap.

 

“Wala ka na bang ibang taong tatakutin?”

 

Nakaupo lang ako sa upuan habang nagta-trabaho gamit ang laptop.

 

Nag desisyon akong ikwento sa mundo kung sino talaga sila, sinubukan kong magsulat.

 

Sinubukan kong manghingi ng tulong.

WALA AKONG NAPALA KUNDI LIKES.

 

“Kelan mo susundan yung kwento?”

“Ang galing naman ng imagination mo!”

“Next episodes please...”

 

Nagpasya akong tumigil. Wala namang maniniwala. Akala ko nagbago na ang mga tao pagdating sa gantong usapin... Pero kapareho parin sila ng mga tao sa paligid. Kapareho parin ng dati.

 

Tsk.

 

“Bakit niyo ba ko ginagambala!”

 

Hindi na ko nakatiis kaya sumigaw na ‘ko. Wala na kong pakialam kung may makarinig at matawag na baliw.

 

Sinubukan kong tumayo para lingunin ang taong hindi ang roommate ko - tao sa kanto ng kwarto.

 

Hindi tulad ng madalas na nangyayari na bigla syang nawawala kapag nililingon (o tulad ng mga nasa palabas), nakikita ko sya. Gamit ang mukha ng ka roommate ko. Nakaupo sa kanto ng higaan.

 

Nakangiti.

 

“Tumatapang ka ah.”

 

Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Kailangang matalo ko sila.

 

“...Pero siguro mas maiihi ka sa shorts kung pugot na ulo ng pari ang pinakita ko paglingon mo.”

 

Tuloy lang ang ngiti nya habang nagsasalita.

 

Hindi na ko makagalaw. Nakatayo lang ako. Nararamdaman ko ang malamig na pawis sa buong katawan ko. Napako ang paningin ko sa kanya.

 

Dahan dahan syang tumayo at lumapit sakin.

 

“Dahil matapang ka na. Bibigyan kita ng isa pang dapat katakutan...”

 

Tumalikod sya para maupo ulit sa paborito niyang upuan - sa kanto ng higaan.

 

“Akala mo siguro ganito lang ang ginagawa namin? Mananakot, gagamit ng ibang mukha. Magiging dwende, aswang, manananggal, demonyo. Tapos lalabas kami tuwing undas.



Hindi kami basta perya.

 

Hinugot ko ang kahit anong tapang na meron ako para makapag salita… “Hindi… na ‘ko… natatakot… sayo!!” nagawa kong magsalita. Konti na lang, hahakbang na lang…

 

“Hindi mo pa alam ang mga kaya naming gawin.” umiling iling sya sa para ipakita ang dismaya sa nagawa ko.

 

“Una sa lahat, bakit tingin mo tinaasan ang upa dito sa apartment?”

 

Upa? Anong pakialam niya sa upa?

 

“Konting bulong sa mga magnanakaw, konting bulong sa mga mandaraya, at konting bulong lang sa mismong tatay ng kasera ang kailangan para lumaki syang mahigpit ang kapit sa pera...”

 

“Alam mo na kung san ako papunta? Tingin mo, kapag naging matapang ka, mareresolba mo na lahat? Akala mo ikaw ang unang nakaisip niyan?

 

Isa lang ang ‘takot’ para sirain ang tao. Mero pang paghahangad at pagnanasa.”

 

Masigla ang pagsasalita niya. Kuhang kuha niya kung papano mag kwento ang roommate ko.

 

“Konting pag obserba lang sa tao, konting ideya na makukuha niya ang gusto niya. Kapirasong kagustuhan lang, kaya na niyang tanggapin ang ideya ng pagnanakaw, panloloko, pagsisinungaling

 

PAGPATAY



Unti unting kong naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Hindi lang sanib at pananakot ang kaya nilang gawin. Kaya nilang bumulong.

 

“Siguro iniisip mo, samin nagsimula lahat ng masama. Alam mo kung anong nakakatawa? HINDI LAHAT!

 

Akala niyong mga tao, kayo ang pinaka matalino sa lahat ng nilalang dito sa mundo. Pero ang totoo, kayo ang pinaka mangmang. Kayo ang pinaka makasarili.

 

At konting udyok lang sa inyo, para sirain ang hinaharap, madali niyong sinusunggaban.”

 

Mabilis syang tumayo para lumapit sa tenga ko para bumulong.

 

“Alam mo ba kung gaano kadali bumulong sa ama para bugbugin ang anak nila? Alam mo ba na pagkatapos nun, pagtanda ng anak, hindi na niya kailangan ng bulong. Kusa niya nang gagawin yun sa magiging anak niya. Hanggang ulitin ng anak sa anak sa anak...”

 

Nagpalakad lakad sya sa paligid ng kwarto habang nagpapaliwanag.

 

“Kahit isa lang ang mandaya, isa lang ang malaman niyong magnakaw, susunod na kayong lahat. Dahil ayaw niyong malamangan.

 

Alam mo bang nabulong pa kami dati para gumanti kayo sa kapwa? NGAYON HINDI NA KAILANGAN. Yun na ang natural niyong ginagawa.

 

Umabot kayo sa puntong kayo kayo na ang nagsisiraan. Umabot ang tao sa puntong nakaka giliw kayong panuorin dahil lang nag aaway sa kakarampot na lupa. Nagpapatayan sa kapirasong pera.

 

Higit sa lahat, hindi niyo na kami kailangan para gawin ‘yun. Kusa niyo nang ginagawa ang kasamaan sa isa’t isa.

Naikot na kayong lahat sa mga kamay ng demonyo. Kumikilos kayo ng ayon sa gusto naming gawin niyo. Hindi niyo na kami kailangan para matakot. Dapat na kayong matakot sa isa’t isa.”

 

Napalunok ako para sabihin ang tanong na gumugulo sa isip ko “Bakit mo sakin sinasabi ‘to?

 

Naging seryoso ang mukha niya. Nakaramdam ako ng takot na hindi ko pa nararamdaman kahit kailan. Walang sungay, walang pangil, walang nanlilisik na mata at walang dugo sa mukha tulad ng palagi kong nakikita. Purong kilabot sa mukha ng roommate ko ang nakita ko sa kanya.

 

Dahan dahan syang lumapit sa mukha ko. Hindi na ko nahinga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

 

Dahil gusto kong magkaroon ka ng panibagong takot. Hindi ka na takot sa ulong pugot kaya tingin mo wala ka nang dapat katakutan?

 

Tingnan mong mabuti ang mukhang ‘to. Gusto kong maalala mo ang ganitong takot.”

 

Nakangiti sya habang napakalapit sa mukha ko. Hindi parin ako makagalaw.

Napansin kong dahan dahang tinataas niya ang kamay niya.

 

Tinuturo ang cabinet ko malapit sa lamesa. Palagi yung naka lock.

 

Bakit ‘to nakabukas?

 

Hindi nawala ang ngiti niya hanggang maglabas sya ng konting tawa.

 

Bigla syang nawala sa isang kisapmata.

 

Naramdaman kong kaya ko nang gumalaw kaya agad akong tumakbo sa cabinet…

Agad akong natulala sa nakita ko sa loob.

 

Kinuha ang cellphone ko para i-dial ang number ng dati kong roommate.

 

Agad niyang sinagot…

 

“Oh pre? Napatawag ka?”

 

“Pre, bago ka umalis, nakita mo bang bukas yung cabinet ko. Andun kasi yung ipon kong 30 thousand. Kailangan ko ipadala na sa probinsya...”

 

Narinig ko agad ang pagputol ng linya.

 

Purong panlalamig ng katawan ang naramdaman ko.

 

Demonyo.

Others you might like: