Nakaputi akong uniporme sa unang araw ng eskwela, niyakap kita. Sabi ko “kaya ko na, Ma”
Nakaputi akong polo, nilibre kita sa unang sweldo. Sabi ko “kaya ko na, Ma”
Nakaputi akong barong sa araw ng kasal ko, niyakap kita. Sabi ko “kaya ko na, Ma”
Nakaputi kang hospital gown. Hawak ko ang kamay mo. Sabi ko “Hindi ko pa kaya, Ma…”
Suot na namin ang mga santa hat, nakatayo narin ang christmas tree. Nalagay narin namin ang mga regalo at kumpleto na lahat para sa christmas party dito sa ospital. “Huling buwan ko na ba talaga sabi ng doktor, nurse jo?” tanong ng isang cancer patient. Malungkot na napatungo ako. “Ayos lang, december naman uuwi ang mga anak ko mula abroad”. Ngumiti lang ako habang nagfi fill up ng mga patient papers. “Nurse palagay na lang ng current date sa taas”. Inayos ko ang papel para isulat - July 17, 2022.
Sobrang lagim ng eksena sa TV kagabi na iniwan akong nakatulala. Pinatay kasi ng isang kontrabida ng itak yung bidang lalaki. Tapos kinaladkad palabas sa panel ng camera, pero bago tuluyang mawala sa kuha ng camera ung kontrabida, tumitig muna sya ng direkta sa camera para sa mga nanunuod. Grabe ang trauma ko.
Ngayon, nag aalala na ang nanay ko bakit daw ilang araw na akong nakatulala sa takot at nakatitig ng matagal sa bintana.
Sabi nila, alam daw ng mga aso kung kumakain o kumain ka na ng aso dati. Magagalit at tutuloy tuloy daw ang tahol nila sayo. Hindi ako siguro kung totoo ‘yun, pero kaya siguro marami akong kagalit na tao.